Chapter 4

60.2K 1K 74
                                    

~Sugar~

Naglalakad na 'ko papunta sa gym. Ang nakakapagtaka lang, wala akong makitang mga estudyanteng pakalat-kalat na nagbubulungan kapag napapadaan ako.

Weird.

Pagpasok ko sa gym, sinalubong ako ng mga malalakas na hiyawan...

...ng mga lalaki, of course.

What do you expect? All the girls hate me. Mga inggitera sila, eh.

Inilibot ko ang tingin sa gym.

My, my... Puno yung gym. Kaya pala wala akong makitang pakalat-kalat dahil nandito silang lahat.

Lalakad na sana ako papunta sa bleachers nang may umakbay sakin. Biglang tumili nang pagkalakas-lakas yung mga babae.

Lintik na yan! Mabibingi yata ako!

Nung tingnan ko kung sino yung talipandas na umakbay sakin, ang gwapong mukha ni Klint ang nakita ko.

Gwapo? Yuck. Forget I said that.

Mabilis na inalis ko yung pagkakaakbay niya sakin.

"Ano ba?"

He smirked.

"Ang arte naman ng future girlfriend ko." Kumindat pa siya sakin.

"That would never happen, jerk."

"How can you be so sure, bitch?" Nagniningning sa tuwa yung mga mata niya. Bigla pa siyang natigilan at parang napaisip.

"Cool! May tawagan na tayo! Sweet, huh?"

"You're hopeless," naiiling na sabi ko at tinalikuran na siya.

Inilagay ko sa bleachers yung bag ko at nagsimula na akong mag-warm up.

No. I'm not nervous. Alam kong kayang-kaya kong talunin ang mayabang na to. Napatingin ako sa direksyon niya nang magtilian na naman ang mga hitad na babae.

Hayun siya at nagawa pang makipag-picture taking samantalang ako naman e nag-warm up pa talaga!

Bwisit!

"Woooh! Go Sugar!"

"Ang sexy mo!"

"Ang ganda mo!"

"Wag kang magpapatalo kay Klint! Hindi pwede dahil akin ka lang!"

Malanding nilingon at nginitian ko yung mga lalaking nagchi-cheer sakin. Hindi ko sila pwedeng tarayan ngayon dahil kailangan ko ng taga-suporta.

Pero agad ding natabunan ang cheer nila dahil bigla na namang tumili ang mga babae! Agad na napalingon ako sa direksyon ni Klint.

Hubad-baro na siya! He took off his shirt! At talagang nagawa pa niyang mag-pose habang pinipicturan ng mga babae!

Walanghiya talaga!

Pero... Wow. He's got a very sexy upper bod.

Broad chest, check.

Six-pack abs, check.

Damn it. Ibinalik ko yung tingin sa mukha niya. He was staring straight back at me.

"Loving the view, bitch?" he said, grinning.

Magpapatalo ba ko? Syempre hindi!

"Ipinagmamalaki mo na yan? Tss. That's nothing compared to the ones I've seen and touched already," I mockingly retorted. I even smiled sarcastically.

Agad na nabura yung ngiti niya.

Hah!

Now, it's my turn.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now