Chapter 8.2

48.3K 929 60
                                    

~Klint~

Dahil nga hindi ko makita si Blade sa school, napagpasyahan kong unahan na lang siya sa pagpunta sa lugar na sigurado akong pupuntahan niya.

Ang The Bar. Oo, seryoso yun yung pangalan ng bar, pinag-isipang mabuti. Ito yung bar kung sa'n tumutugtog si Blade.

Pagkatapos na pagkatapos ng last class ko, dumiretso na ko dito.

It's around 6pm pa lang.

I have met the owner already. Heto nga at kausap ko siya ngayon.

"Really, dude? Si Blade?" sabi niya. His name's Jarvis Dane Reyes. Matanda lang siya ng tatlong taon sa'kin. He's, well, handsome. Like me, of course.

At feeling close siya, sa totoo lang.

"Bakit pare? May problema ba dun?"

Sinabi ko kasi sa kanya na gusto kong sorpresahin si Blade. I would sing a song for her. Pero hindi ko sinabi yung dahilan ng sorpresa ko na yun.

Syempre alangan namang sabihin kong, "You know, I accidentally touched her boobs and this is my way of saying sorry."

I don't want Blade to get embarassed.

Nung tanungin naman niya kung kaanu-ano ko si Blade, sinabi ko lang ang totoo, na girlfriend ko siya.

Syempre, hindi siya makapaniwala.

"Wala naman. Pero pa'no mo siya napasagot?" tanong niya.

"Ba't ko sasabihin sa'yo? Close ba tayo?" sabi ko.

Lol. So, hindi pa pala kami close niyan. E nagtatawagan na nga kami ng pare.

"Fine. Suit yourself. Since hindi tayo close, forget about surprising my vocalist. You may go now. It was nice meeting you," he said with a sarcastic smile.

Bastard.

Napilitan na kong ikwento sakanya yung tungkol sa pagkatalo sa pustahan ni Blade na siyang dahilan kaya naging girlfriend ko siya.

"Cool. Should've known na hindi kusang pumayag si Blade na maging girlfriend mo."

"Shut up."

"You're shutting me up?"

Tae naman 'tong lalaking to! Ang tuso.

Iniba ko na lang ang usapan.

"Tell me something about Blade," kapagkuwa'y sabi ko.

"Pa'no kung ayoko?"

Pinipigilan ko ang sarili kong sapakin siya. Pasalamat siya may galang ako sa mga matatanda.

"Then don't," sabi ko na lang.

"Good. Cause you know, mas maganda kung ikaw mismo yung makakadiskubre ng lahat ng tungkol kay Blade."

He's right, I guess.

"Hmm, okay. Guess so."

Medyo dumadami na yung mga tao kaya naman napagpasyahan niyang ipakilala na ko sa mga kabanda nila ni Blade. Yup, kasama siya sa banda.

Siya yung keyboardist.

Ang pangalan nga pala ng banda nila eh The Band.

Tangina. Sino bang tao na ganito magpangalan? Una, The Bar. Tapos ngayon, The Band? So weird!

Nilapitan namin yung dalawang lalaking nasa stage na kasalukuyang inaayos ang mga instrumento nila.

"Hey, guys."

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now