Chapter 10.2

40.8K 688 13
                                    

~Klint~

Damn it! Damn it! Damn it!

Naiinis na sinipa ko yung batong nadaanan ko.

Asar na asar ako.

Kung kelan nagkakasundo na kami ni Blade, saka naman biglang nanggulo na naman si Cindy. Tapos sumabay pa yung bwisit na Torres na 'yon.

Ahhh fuck!

*Flashback*

Pagkatapos na pagkatapos ng practice, agad na pumunta na ako sa shower room.

Makakasabay ko pang mag-lunch si Blade kasi maagang natapos yung practice.

Nagbibihis na ko sa locker room nang marinig kong bumukas yung pinto.

I didn't bother to see who it was. Kasi sigurado naman akong isa sa mga teammates ko lang yun.

"Want me to zip that up for you?"

Mabilis na naisara ko yung zipper ng pantalon ko nang marinig ko yung boses na yun.

"Cindy? What the heck are you doing here?! Lumabas ka nga. Bawal ang babae dito," sabi ko pagkaharap ko sakanya.

She walked towards me.

"Pa'no kung sabihin kong ayaw ko? Ano'ng gagawin mo?"

Tae naman.

Sinumpong na naman ng pagka-brat itong si Cindy.

Lumayo ako sa kanya. Kinuha ko yung bag at shirt ko.

Ako na lang yung aalis.

Pero hinawakan niya ko sa braso. The next thing I know, hinalikan na niya ako sa lips.

I was about to push her away when I heard someone spoke.

"So, I guess, this means we're over."

I felt a thud in my chest.

Kilala ko yung boses na yun!

Shit! Si Blade nga.

Napalakas tuloy yung pagtulak ko kay Cindy kaya napaupo siya pa siya. 

I don't care though. All I cared about at that moment was Blade's blank expression and uncaring facade.

"Babe..."

Damn it. Nilapitan ko siya at sinubukang hawakan pero tinabig lang niya yung kamay ko.

I'd rather have her shout curses at me than have her like this - no trace of expression at all. I couldn't read what was going on in her head. Fuck.

Pero sana galit siya... Para alam ko na kahit pa'no nagseselos siya.

Kaso mukhang hindi.

"Sugar naman... Please. Hear me out first. It's not what you think..."

"I don't need an explanation because I don't care, okay? You can kiss and fuck each other for as long as you want and I won't fucking mind. Kuha mo?"

Okay. That was below the belt.

Ramdam ko yung pagbigat ng dibdib ko sa sinabi niya.

Di na ako nakapagsalita at sinundan ko na lang siya ng tingin nung umalis siya.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Cindy sakin mula sa likuran.

"So, where were we?"

Balewalang tinanggal ko yung kamay niyang nakayakap sakin at sinuot yung shirt ko.

"Leave me alone, Cindy."

And I went off to follow Blade.

Sinalubong ako nina Drake at Trev.

"Pare, pasensya na. Ito kasing si Trev e!" ani Drake.

"Eh, bakit ba? Hinahanap siya nung girlfriend niya e," sagot ni Trev.

"Tangek ka! Ex-girlfriend kamo," si Drake.

Tiningnan ko nang masama yung mga sira-ulong kaibigan ko.

"Get the hell out of my way!"

Nag-high five muna sila bago umalis sa daraanan ko.

"Ikaw na talaga, pare. Ang pogi mo pa rin kahit galit ka. Hahaha."

"Oo nga. Nakakabading! Hahaha"

Di ko na sila pinansin. Lalo lang nila akong aasarin pag pinatulan ko sila.

Paglabas ko ng gym, nakita ko si Blade na nakikipag-usap sa hinayupak na si Torres.

Napatingin pa siya sakin. Pero agad din siyang humarap dun sa lalaki niya tapos ngumiti pa.

Pagkatapos non, hinawakan nung lalaki yung kamay ni Blade at magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa kung sa'n mang impyerno sila pupunta.

But then, lumingon pa yung girlfriend ko. I mean, ex pala.

Nginitian niya ko nang nakakaloko tapos binigyan ako ng dirty finger.

Anak ng!

So balewala lang talaga yung nakita niya kanina?

Ahh! Bwisit!

I clenched my fists and went the other way.

Saka na lang ako magpapaliwanag sa kanya. Masyadong magulo ang emosyon ko ngayon and I don't want to talk to Blade without getting hold of these first.

*End of Flashback*

So ganun yung nangyari.

Walang kwenta di ba? Dahil lang sa letseng misunderstanding na yun, nakipagbreak na siya.

Sabagay, matagal na niyang gustong makipag-break sakin.

Ang saya niya siguro ngayon. Tss.

But fuck. Like I'd let her!

Manigas siya.

Ngayon pa?! Kung kelan pa naman... Haay!

HOURS LATER...

"Sorry, dude. Hindi daw darating si Blade ngayon," sabi ni Jarvis.

"What? Bakit daw?"

Shit naman talaga. Nandito ako ngayon sa The Bar.

Siguradong alam niya na pupuntahan ko siya dito kaya hindi siya pumunta.

"Ewan. Di sinabi e. Basta sinabi lang niya na di siya tutugtog ngayon tapos binabaan na ko ng telepono."

Asar.

"Pupuntahan ko na lang siya sa bahay niya."

Aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Cloud.

"Alam mo bro, kung ako sayo bukas mo na lang siya kausapin. Baka mas lalong hindi kayo magkaintindihan niyan," payo ni Cloud.

"I agree," sabi naman ni Vladz.

Napatingin ako sa kanilang tatlo. They were right.

I sighed and nodded.

"Sige uuwi na lang ako."

"Teka. Wag muna. We need a lead guitarist. Ikaw na lang. Tapos, bilang kapalit, tutulungan ka namin sa problema mo," si Jarvis.

Di na ko nag-isip pa.

"Call."

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now