C3

992 87 5
                                    

Jaydee's Pov

Magkakaroon kami ng upcoming events this friday parang preparation siya sa darating na intrams  , nakaayos na lahat yung mga pa kunting event nila at palaro chuchu.

Kasalukuyang nakasuot ako ng Yellow shirt which is ang korni para sa akin ito , may bawat color coding kasi sa bawat section pero bakit sa dami ng kulay ay yellow pa?

Mas bet ko pa yung nasa ibang section na kulay like marroon , blue , black , red , orange mga ganung kulay sana hindi yung ganito na ang silaw tignan.

"Hoy dong! Anlalim ng iniisip mo ah! Btw ayun na pala sila coleen at frances oh tara puntahan natin!" Sabay hila sa akin ni gabb itong babaeng to talaga alam ko naman na tinutukso niya ako lalo kay frances upang mapalapit siya kay coleen eh.

"Hi Queen and Coco kamusta kayo? Ang ganda ng banner na yan frances ah mukhang kikiligin ata si jaydee dyan!" Pangangantyaw niya pa sa akin , napairap namam ako ng makita yung banner na hawak hawak ngayon ni frances.

Nakasulat doon yung pangalan ko at mukhang pa goodluck sa darating na game ko mamayang hapon.

"Tsk! Makaalis na nga sinisira mo araw ko gabrielle!" Sabi ko dito at sinipa ko pa ng mahina yung paa niya at napa peace sign nalang ito sa akin.

"Hep! hep! hep! Jaydeee sali na kayo ni frances sa palaro namin na pramis masaya to at mag eenjoy kayo!" Sabi pa nung class president namin umiling naman ako at akmang aalis na ng magsalita si coleen na bestfriend ni frances.

"Baka naman jaydee kahit ngayon lang iconsider mo naman yung gustong gawin ni frances! Look gusto niyang maglaro din oh!" Napatingin naman ako sa kanya at ngayon ay pinipigilan na siyang magsalita ni Frances.

Siniko naman ako ni gabb upang pumayag na kaya wala na akong nagawa kundi pumunta na sa gitna upang magready na sa laro nakangiting sumunod na din sa akin si frances.

"Okay! Kompleto na ang participants which is consist of 6 teams at simple lang naman yung gagawin niyo at kailangan niyo lang na mauna sa finish line and then magkakaroon kayo ng price pag kayo ang naging first placer!" Sabi nung emcee and then nagdikit na nga kami ni frances at tinalian na yung paa namin ng panyo.

Inakbayan ko nalang siya kasi mukhang ma a out of balance kami pag hindi ako nag adjust eh , kaya ayun pagkatapos kaming talian ay nakaready na kami para sa paglakad pag sinabi na nung emcee na mag go.

"Sigurado ka bang magiging okay ka nito? Pwede ka pang umatras if hindi mo talaga kayang maglaro baka mapaano kapa" mahinang sabi ko sa kanya ngumiti lang siya and then na sign na okay lang siya at hindi ko need na mag alala.

"On your marks get set and /dum/dum/dum! Gooooooo!" Dali dali na kaming naglakad ni Frances napatingin ako sa paligid at kami ang nangunguna ngayon nagpatuloy lang kami sa maganda naming start at nung nasa malapit na kami ng finish line ay nadapa siya.

At tumunog yung nasa wrist niya na parang heartbeat detector niya , kasalukuyang nakahawak siya sa may bandang dibdib niya at dahil doon ay tinanggal ko na yung tali sa paa naming dalawa.

"Tsk! Sabi ko na ito ang mangyayari eh! Dapat kasi di mo nalang pinilit edi sana hindi ka magiging ganyan! Ang hirap kasi sayo sarili mo lang pinapakinggan mo!" Medyo pasigaw kong sabi sa kanya , nakaupo lang siya ngayon sa may damuhan at nakatingin lang mg diretso sa akin at ngayon ay namumutla na siya.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now