C23

569 69 3
                                    

Frances Pov

Day 14

Nakatanaw lang ako sa malayo kay jaydee , nag ja jogging kasi siya dito sa may oval habang ako ay nakaupo lang sa may bench at pinagmamasdan siyang gawin yung running drills niya kasama sila gabb.

Hawak hawak ko yung bag niya na naglalaman ng mga tuwalya , tubig , extra shirts at tsaka sapatos at marami pang iba.

Inilapag ko muna sa may gilid yung bag niya at tsaka tumayo ako saglit para mag stretching ganun kasi nangangalay na yung mga binti ko sa kakaupo.

"Hey frances?!" Tawag naman ng isang pamilyar na boses para sa akin agad na akong napalingon dahil doon, napangiti nalang ako ng makita si Nurse Amanda na naka civilian , siguro hindi siya ang naka duty ngayon sa clinic.

"Hi nurse amy?! Himala at napadpad ka dito sa oval? Kumain na po ba kayo? Sobrang namumutla kasi kayo eh , maupo na muna kayo" aniya ko sa kanya , saka kumuha na din ng tubig sa may bag ni jaydee , madami naman siyang baon na tubig eh kaya okay lang na bawasan.

"Naglilibot libot lang ako frances , salamat dito sa tubig ah?! Wag kang mag alala at okay lang naman ako tsaka i drop mo na kaya yung honorifics , hindi naman nagkakalayo yung edad nating dalawa eh!" Sabi niya naman sa akin saka binuksan yung tubig na ibinigay ko sa kanya.

"Sure ka ba? Btw bakit naka civilian ka? Off muna ba? Or papasok ka palang sa clinic?" Tanong ko sa kanya , napatingin naman siya sa may malayo , nakatingin siya ng diretso sa kinaroroonan nila jaydee.

"Ngayong araw queen? Hindi na ako student nurse dito sa University cause i resign na for some reason" nanlaki naman ang mata ko dahil sa pagkagulat sa ikinuwento niya , ang laking sayang naman kung ganun.

Siya ang pinaka the best na nurse na nakilala ko dito sa University , hindi lang siya maganda kundi matalino, napakabait at nakapa responsableng punan yung responsibilidad niya sa school.

"Bakit naman amy? Lilipat kana ba ng ibang pagtatrabahuhan? Mamimiss kita kung ganun" sabi ko sa kanya , hinawakan niya naman ako ng mahigpit sa may kamay.

"I have something to give you queen before i go ngayon, gusto kong sayo ito ipaubaya kasi naniniwala ako na there's a big possibilities na magagamit mo ito sa hinaharap" sabi niya sa akin sabay abot ng card , its a color green card na naglalaman ng information about sa organ donation.

Nalilito ako na basahin ito sa ngayon , napatingin ako kay amy na tila bay nagtataka , like bakit ito ang ibibigay niya sa akin , nandun na din yung consent niya.

"Wait amy? What is this ba? Bakit organ donation ang nakalagay dito? Tapatin mo nga ako? Is there something wrong sa health mo?" Medyo nag aalala ng sabi ko sa kanya , hindi siya umimik ng ilang segundo nakatingin lang siya ng diretso sa card.

"Queen? Just trust me okay? At tsaka about sa operation mo? Sana maging successful talaga yun , ipinapanalangin ko na sana ay mabuhay ka pa ng matagal, isa ka sa napakabait na bata sa mundong ito at nakapa deserve mong mabuhay ng ilang taon pa" sabi niya sa akin tskaa tumayo na sa kanyang pagkakaupo, sobrang putla niya ngayon at wala akong ka alam alam sa nangyayari sa kanya.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now