C30 END

953 83 10
                                    

Jaydee's Pov

This is it! Ito na ang huling araw kung saan matatawag na single pa ako , bukas na ang nakatakdang kasal namin ni queen at sobrang excited na ako doon.

Kasalukuyang kasama ko si Gabbo ngayon pati sila Kielle , Cole , Richard yung ibang mga tropa ko pa.

Habang sa kabilang condominium naman ay naroon sila coleen , nile , jamie at iba pa na makakasama ni Frances.

Nag iinuman lang naman kami ngayon at nagkukuwento kwento ng mga ginawa namin this year ganun.

"Grabe akalain niyo yun guyz?! Sa wakas at ikakasal na yung tropa natin na habulin sa school, yung inaakala nating hindi niya naman makakatuluyan kasi alam nating wala siyang gusto kay frances ay siya pang pakakasalan niya ngayon" medyo lasing na aniya ni cole sa aming lahat , nagtawanan naman ang lahat dahil doon , well ayun ang akala ng lahat sapagkat lagi ko namang pinagtatabuyan palayo si frances.

"Oo nga eh! Nako kung hindi talaga sila nagkatuluyan ni frances?! Aagawin ko sa kanya yun!" Dagdag pa ni cole , napapatawa nalang ako dahil alam ko namang nagbibiro lang siya.

"Hoy cole isusumbong ka namin sa jowa mong si jamie ah! Nako ka! Ang daldal mo ngayon ah! Marami kang naiispill hahaha" pangangantyaw naman ni gabbo kay cole , napa ekis naman ito ng kamay sa sinabi ni gabbo.

"Kahit sino mang mag attempt na manligaw kay Frances ay walang pag asa gabbo?! Kasi loyal na loyal yun kay jaydee! Pero bro?! Im so happy for you ah , sainyo ni frances!" Sabi naman ni kielle , well proven and tested niya na yun eh.

"Salamat kielle! Pati sa inyong lahat! Sa pagsuporta at hindi pang iiwan sa akin sa ere kahit napaka hambog kong tao noon, ayokong mangako pero itatry ko ang best ko na ingatan si frances at mahalin siya sa abot ng aking makakaya" aniya ko sa kanila , napangiti naman silang lahat at itinaas ang mga kani kanilang baso na may lamang alak.

Nilagyan ko na din ng alak yung baso ko and then itinaas na din yun saka pinagbangga bangga namin.

"Para sa ikakasal nating tropa! Ang mauunang bumuo ng pamilya! Sa nag iisang Jaydee Villaruel Garcia! Na bukas ay magiging pag mamay ari na ng nag iisang Francese Therese Andale Pinlac! Cheeerrrrrs!!!!" Sigaw naman ni gabbo na ikinatuwa naming lahat at sabay nga naming nilagok yung alak sa kanya kanya naming mga baso.

"Congratulations bro! Bukas na ang simula ng love story niyong dalawa ni frances! Magiging ganap na Garcia na siya bukas! At ikaw? Mananatiling Garcia padin hahaha" aniya naman ni gabbo sa akin inakbayan ko nalang siya at hinimas himas din yung ulo ng iba kong kasama ngayon.

"Maraming salamat ulit sainyo! Kayo din , umaasa akong pagkatapos ng kasal namin ay may susunod na din sa inyo" masayang sabi ko sa kanila sabay sabay naman silang nagtinginan at nagtawanan.

"Malayo pa kami doon jaydong! Hahah kayo na muna ni Frances kasi matagal naman na kayong magkakilala at deserved na deserve niyo ang Isa't isa!" Tugon naman ni richard at tsaka nilagyan ako ng alak sa may baso na mabilis ko din namang ininom.

Meanwhile

Frances Pov

Kasalukuyang nagsusukat lang kami dito ng mga damit , eto kasi ang natripan nilang gawin ang mag fashion show kami dito sa condominium.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now