C13

661 91 10
                                    

Frances Pov

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi sapagkat inaalala ko yung sitwasyon ni kielle kasi nga alam kong nasaktan siya ng labis.

Nakatingin lang ako sa may room ko at nililibot ng aking mga mata yung buong kwarto ko at mga gamit , hindi ko maiwasang hindi mag over think.

Kahit ako hindi ko alam kung magigising pa ba ako kinabukasan , Im just thankful lang sa araw araw na nagigising pa ako.

Padami ng padami yung iniinom kong gamot , kasi nga palala na ng palala yung sitwasyon ko kahit hindi man sabihin ng doctor ko iyun sa harapan ko mismo kasi silang dalawa nalang ni dad ang nag uusap.

Tibayan mo lang loob mo frances , kung ano mang mangyari sa hinaharap ay ang mahalaga ay lumalaban ka pa din hanggang ngayon.

Tok! tok! tok!

Natigilan ako sa pag iisip ko at inayos ko na yung higaan ko ng mabilis para pagbuksan yung taong kumakatok.

"Queen anak?! Gising kana ba? May bisita ka kasi anak sa baba? At panigurado akong magugustuhan mo yung bisita mo ngayon, kaya tara na sa baba" sabi naman ni daddy sa labas , sino naman kayang pupunta dito ngayong umaga? Magpapasaya sa akin? Si jaydee lang naman ang gusto kong makita sa umaga at wala nang iba pa.

"Good Morning , Yes dad gising na po ako susunod nalang po ako sayo sa baba sapagkat hindi pa ako nakakapaghilamos at nakakapg toothbrush" aniya ko sa kanya ngumiti lang siya at tumango sa akin saka naglakad na palayo sa kwarto ko.

Ako naman ay nagtungo na sa may banyo upang maghilamos at mag ayos ng kaunti , magulo pa kasi yung buhok ko at wala man lang ako kaalam alam kung sino yung bisita.

Sa pagkakatanda ko ay hindi din nagsabi sa akin si coco or sinuman na pupunta dito sa bahay ngayon.

Argh bahala na tapusin ko muna tong morning routine ko at malalaman ko nalang kung sino ang bisita mamayang pagbaba ko.

Maya maya ay natapos na ako at nagpupunas na ng aking mukha at pagkatapos nun ay inilagay ko na sa hanger yung aking tuwalya at tsaka lumabas na ng kwarto ko.

Dahan dahan at wala naman akong gana sa paglalakad pababa ng hagdan ngayon, sobrang inaantok na ako ngunit hindi talaga ako makatulog.

Napakusot naman ako ng aking mga mata nang makita kung sino yung nandito ngayon sa may sofa namin na may hawak na sunflower bouquet.

Hindi pa ako nakakatulog pero mukhang nananaginip na ako ngayon ah , damn queen stop imagining some things okay? Itong natutunghayan mo ngayon ay hinding hindi magiging totoo ito.

Papikit pikit naman ako ng aking mata habang naglalakad pa din sa hagdan nang bigla akong matalisod na sanhi upang madapa ako.

Ack! Napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng tuhod ko dahil sa pagkakadapa ko , mabilis naman na may nagtungo sa akin upang tulungan akong tumayo.

Buti na lamang at isang hakbang na lang nung natalisod ako pababa kasi kung hindi baka bali ang buto ko.

"Damn Queen?? Are you okay? Bakit ka kasi hindi nakatingin sa dinadaanan mo ayan tuloy nadapa ka pa" nag aalalang sabi ng isang pamilyar na tao , tumingin lang ako sa kanya ng diretso at papikit pikit , totoo ba talaga tong nakikita ko?

Si jaydee na nasa harapan ko at halata sa mukha ang pag aalala sa akin?

"Queen? Huy queen? Magsalita ka? May masakit ba sayo?" Tanong niyang muli saka hinawakan ang mukha ko at pinisil pisil ng unti , damn so this is real?

Wait hindi pa din talaga ako naniniwala ngayon, what if ikiss ko siya kahit sa panaginip man lang ay matry kong mahalikanang isang jaydee garcia oh.

Hindi na ako nagdalawang isip na ikiss siya at nabigla ako nang maramdaman ko na yung malambot na labi niya , nang maliwanagan ako na totoo pala ang nangyayari ngayon ay agad ko siyang naitulak nang malakas na sanhi upang matumba siya.

"Aaahhhh!" Sigaw niya naman , napangiti nalang na tinignan ako ni daddy shit mukhang nakita niya yung ginawa ko.

"Gosh?! Im sorrry! I thought it was a dream! Ano nga palang ginagawa mo dito huh?! Get out of my house! Hindi kana welcome dito" pagsusungit ko sa kanya pero damn yung puso ko sobrang bilis na naman ng pagtibok , mukhang itong ginawa kong paghalik kay jaydee ang tatapos sa lahat ng ininda na sakit ko at ang mismong papatay sa akin.

"Aaahh! Gusto ko lang naman na tulungan ka sa pagkakadapa mo pero hindi ko naman akalain na itutulak mo ako, argh siya nga pala Flowers for my queen! And please give me another chance to show my real love for you?! Seryoso at walang halong biro frances" sabi niya pa sa akin saka kinuha yung bulaklak na nakalagay sa may sofa at iniabot sa akin.

"I don't believe in second chances , so get out jaydee tapos na akong mahalin ka okay? Now go at wag ka nang magpapakita sa akin" malditang saad ko sa kanya , nakatingin lang siya mg diretso sa akin ngayon , damn queen wag kang rurupok dyan sa magandang mata , ilong ,labi ,mukha at mismong kay jaydee.

Hindi pwedeng maging soft ka lagi sa kanya , abay siya naman maghabol sayo kung totoo man yang sinasabi niya.

Bahagyang napangiti naman siya sa akin ano na naman kaya naiisip ng babaeng ito? Argh nakakairita yung pang ngiti niya sapagkat mas lalong bumibilis tong tanga kong puso na sa kanya lang tumitibok.

"Abay hindi ako papayag niyan?! Hindi ako aalis dito sa bahay niyo queen?! Hinalikan mo ako sa labi at hindi ako papayag na hindi mo ako panagutan sa ginawa mo?!" Sabi niya pa sa akin napatawa naman nang mahina si daddy dahil sa sinabi niya.

Ano na namang pakulo to jaydee ah kung pinapaasa mo na naman ako please lang tama na dahil sawang sawa na ako sa mga ganyan.

"Get out?! Hindi mo ako madadala sa paganyan mo ngayon , daddy please tell her to leave" sabi ko kay daddy pero nginitian niya lang ako, ano ba yan dad siya ba yung anak mo?

"Anak? Hindi kita tinuruan ng masamang asal? Pag may ginawa ka dapat panindigan mo yun at hindi mo atrasan? Gaya ng sabi ni jaydee panindigan mo yang paghalik mo sa kanya hahah" nang aasar pa na sabi niya sa akin , daddy hindi ka talaga nakakatulong sa ginagawa mo huhuhu.

"Dad?!"

"Maaari mo na siyang iuwi jaydee sa inyo , ikaw na bahala ah , nakaready na din yung maleta niya pakitulungan nalang siya manong driver" utos ni dad sa mga tauhan namin at agad naman silang pumunta ng taas at kinuha yung maleta ko.

"Dad anong ibig sabihin nito?!" Nagtatakang tanong ko nginitian lang ako ni daddy sa tanong ko sa kanya.

"Give her a chance nak? 30 days ka niyang hinihiram sa akin sa condo ka na kuna niya mag iistay for the meantime" sabi niya na ikinagulat ko ,hinatak naman na ako ni jaydee palabas at hindi na ako nakaangal pa sa sobrang pagkabigla.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 11:11 iloveyouall!

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now