C8

641 80 9
                                    

Jaydee's Pov

Naglalakad na kaming dalawa ni dana papuntang school clinic kasi nga nais niya muna na palagyan ng ointment tong sugat ko sa labi para daw hindi magkaroon ng peklat ganun.

Medyo ang oa niya sa part na yun pero wala na akong nagawa nung nagsimula siyang hilahin na ako at mabilis na naglakad.

Pagkarating namin sa may pintuan ng clinic ay agad niya akong binulungan.

"Maganda yung nurse dyan dong?! Sigurado akong magiging type mo yan hahaha siya nga pala balikan nalang kita dyan ah? Bibili lang ako ng makakain mo at maiinom" sabi niya sa akin sabay tinulak ako papasok na ikinagulat ko, damn mamaya ka talaga sa akin evans.

Napakamot naman ako sa may bandang batok ko nang makita kong magulat yung school nurse dito na nakaupo lang halata ang pagkagulat sa kanya kasi nga based sa nakikita kong cute niya na reaction.

"Good morning po , ahm nais ko lang sana manghiram nung ointment if pwede po" saad ko sa kanya , hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya mukhang baguhan lang siya kasi first time ko siyang nakita dito sa clinic.

Lagi kasi akong tambay dito eh kasi nga dahil kay frances diba?

"Saglit lang dyan ka muna at kukuha lang ako ng medical kit para magamot yang sugat mo?! Hindi na madadala yan sa ointment lang kailangan tahiin yan" Aniya ng school nurse , nakita ko nga ang kanyang name tag sa may bandang gilid ng dibdib niya at ang pangalan niya ay amanda, what a beautiful name.

"Ano po?! Kailangan tahiin?" Medyo kabado kong tanong sa kanya , napangiti naman siya ng pasikreto dahil doon.

Gosh ang ganda niya legit at masasabi kong kaedaran ko lang siya ah , hula ko lang naman.

"Hahaha joke lang di ka naman mabiro , o siya maupo ka na muna dyan habang inaantay akong kunin to sa taas" sabi niya na sinunod ko nalang , napatingin nalang ako sa paligid ngayon.

"Umayos ka ng upo nang sa ganun ay malagyan ko na ng ointment yang sugat mo , ano ba kasi nangyari at nagkaroon ka niyan? Napaka tapang mo talaga Garcia" napalunok naman ako ng ilang beses dahil sa biglaang paglapit niya ng kanyang mukha sa akin.

"K-kilala mo ako?" Nauutal na tanong ko sa kanya tumango naman siya sa akin at ngumiti , yung ngiti na parang magpapatunaw sayo pag nakita mo.

Kakaiba din tong nararamdaman ko na kaba , iba ang karisma ng babaeng ito , hindi lang siya maganda kundi nakakaakit pa yung boses niya na parang musika sa aking dalawang tenga.

"Sino bang hindi makakakilala sayo jaydee?! Sikat ka na estudyante dito sa school at fiance mo ang campus queen" sabi niya pa sa akin ah ngayon alam ko na baka nga isa lang siyang scholar kaya siya nag papart time dito sa clinic.

"Ahm pwede bang ako nalang ang maglalagay? Medyo naiilang kasi ako na may naglalagay ng kung ano sa labi ko eh" nahihiyang sabi ko sa kanya napangiti naman siya ng kaunti dahil doon at nakita kong namula ang kanyang pisnge , kinikilig ba siya sa akin? Ako kasi i find her dangerous sa akin eh.

"May tanong ako bago ko ibigay itong ointment na ito sa iyo Garcia?!" Mukhang mapapasabak ako sa tanong niya ah based sa nakikita ko seryoso siya ano naman kaya ang itatanong niya sa akin.

"Ano naman yun? Yung kaya ko lang sagutin yung sasagutin ko ah tsaka yung hindi below the belt" sabi ko sa kanya tumango lang naman siya sa akin at tsaka nagsalita.

"If you were given a 30 days to live nalang? Anong gagawin mo sa mga araw na iyon? Sa lahat kasi ng nagpunta dito sa clinic ay ayan ang tinatanong ko kahit si Queen natanong ko na niyan so im just curious kong anong isasagot mo sa tanong kong iyan" aniya niya sa akin at inilayo niya na ang sarili niya at naupo sa may upuan sa may harap ko mismo.

30 days nalang ang nalalabi sa buhay ko for example? Then maybe I'll go sa mga places na lagi kong pinupuntahan or favorite places with my favorite person.

But sadly wala na pala akong favorite person kasi lahat sila ay napagod na sa akin , ako nalang ang meron ako ngayon.

"If 30 days nalang ang nalalabi sa buhay ko? I think gagawin ko na lahat ng gusto ko like pumunta ng mga lugar na hindi ko napupuntahan , maglaro ng video games , kumain ng mga paborito kong foods , magsaya lang hanggang sa magsawa ako kasi last 30 days ko naman na yun ng nabubuhay sa mundong ito" sabi ko sa kanya mukhang hindi naman niya nagustuhan yung sagot ko kasi nakasimangot siya sa akin ngayon.

"Being alone? Ano? Tama ba ako Garcia?!" Tumango naman ako sa kanya as a sign na tama siya , wala naman na akong isasama pa.

Iniabot niya na sa akin yung ointment and then binigyan niya ako ng salamin tapos nagsimula na akong lagyan yung labi ko nang bigla na naman siyang magsalita.

"Hindi mo ba gugustuhing itanong sa akin kung ano yung isinagot ni frances sa katanungan kong iyan?" Sabi niya sa akin in a serious mode pero nahahalata ko sa mga mata niya yung lungkot.

"Hindi ko naman na dapat pa yang malaman nurse amanda sapagkat sagot niya yan sa katanungan mo" tugon ko sa kanya saka nagpatuloy nalang sa pag lagay ng ointment sa sugat ko nang matapos na ako at makaalis na dito sa clinic.

"Alam kong hindi ka interesado sa sagot niya sa akin Garcia?! Pero nais kong malaman mo yung sinagot niya sa akin? Which is 30 Days With You lang jaydee ay masaya na siya , makasama ka lang niya sa loob ng 30 days ay masaya na siya na harapin yung kabilang buhay" sabi niya sa akin na ikinagulat ko , napatingin ako ng diretso sa kanya at nakikita ko sa mga mata niya yung namumuong luha.

"Grabe ganyan ka kamahal ni Queen , Garcia?! To the point na ikaw pa din yung gusto niyang makasama sa kahuli hulihang buhay niya?! Nasasaktan ako sa part niya na imbes na sabihin niya sa akin na magpapakasaya siya at ieenjoy nalang yung nalalabing oras niya dito sa mundo ay mas nanaisin niya pang makasama ka sa tabi niya kahit wala kayong gawin sa buong araw , sa part pa lang na yan ay sobrang swerte mo na sa kanya , sana lang kahit ayun lang ay maiparamdam mo sa kanya na nasa tabi ka niya lagi , wala ako sa position para pilitin ka na samahan siya sapagkat kailangan na kailangan ka niya pero sana lang jaydee? Alam kong may mabuti kang kalooban , sana pagbigyan mo yung only wish ni Frances gayong nanghihina na siya ng sobra dahil sa sakit niya" this time naluluha na siya na siyang upang maluha na din ako.

30 days kasama ako? Ayun ang sagot niya? Para namang pinagtutusok yung puso ko sa nalaman ko, grabe si frances despite ng mga masasakit na binitawan ko sa kanya ay napaka concern niya pa sa akin at lagi nalang ako ang iniisip niya.

Tama si Gabb hindi ko siya deserved pero gagawa ako ng way para maging deserved ko siya , I'll be a better person na karapat dapat para sa aking Reyna , I'll take a risk na this time habang nandyan pa siya at nakakasama ko pa siya.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now