C4

710 79 0
                                    

Jaydee's Pov

"Dong? May nabalitaan ako ah! May umaaligid aligid daw sa fiancee mo , narinig ko lang na usap usapan sa university kanina nung bumili ako ng bottled water natin , Ano wala ka bang gagawin ah?!" bungad na sabi sa akin ni gabb , di ko naman maiwasang hindi ma curious sa pinagsasabi niya ngunit kailangan kong ipawalang bahala yung curiosity ko kasi baka asarin niya na naman ako.

"Hayaan mo siyang umaligid kay frances mabuti nga iyun eh nang sa ganun hindi na laging nakabuntot yung babaeng yun sa akin" sabi ko sa kanya pero deep inside gusto ko nang isigaw at puntahan yung umaaligid kay Frances at alamin kung may ipagmamalaki ba iyon at kung kakasa ba siya sa akin.

"Ay ganun ba yun? Siya nga pala hinahanap ka ni Jie kanina sa akin , anong real score sa inyong dalawa ah? Nanliligaw ka ba dun ah?" Tanong niyang muli sa akin, hmp si jie? Isa lang naman siya sa magandang babae dito sa University.

Yung mga tipo niya yung gusto ko like sexy , maganda , matalino , mabait , sweet at lalong lalo na healthy siya.

"Friends?" Sabi ko sa kanya habang patuloy pa din sa paglalakad papunta kaming court ngayon dahil may meeting sabi ni coach , may bago daw salta sa amin ay este transferee na gustong mag try out sa Women's basketball club.

"Duda ako dyan sa friends na yan ah? Eh bakit may hickey yun sa leeg nung nakita ko siya kanina? Ikaw ba may gawa nun jaydee?! Sagutin mo nga ako ng maayos ah" seryosong sabi niya ngayon ko lang nakitang nag seryoso ang hulma ng mukha ng mukong na to.

"Wag ka ngang ganyan gabb?! Baka may makarinig sayo pakihinaan yang boses mo. Alam mo naman na mabilis lang kumalat ang balita" sabi ko sa kanya sabay tingin sa may paligid ko kung may tao ba o wala , hmp salamat naman at wala.

"So ikaw nga?!" Curious niyang tanong argh mukhang hindi siya matatapos sa kakatanong sa akin pag hindi ko siya sinagot ah.

"Hmp wala namang masama sa ginawa ko ah? Hickey lang yun? No big deal gabb , Wag kang oa dyan , ginagawa mo din naman yan sa nagiging babae mo eh" rebat ko sa kanya normal na gawain na namin yun dati pa , di pa man kami engaged ni frances ay eto na ang trip namin ni gabbo.

"No big deal jaydee?! Loko ka may fiance ka! Habang ako? Wala akong jowa or ka m.u ganun , so malaya kong gawin yung gusto kong gawin habang ikaw may Frances! Paano nalang kung malaman niya to? Ng daddy mo at daddy niya? Mapapahamak ka talaga sa ginagawa mo dong! Mag isip ka nga ng mabuti jaydee?!" Malakas na sabi niya sabay kinuwelyuhan ako na ikinagulat ko kaya agad ko naman siyang itinulak medyo hindi ako makahinga sa pagkakahawak niya sa may kwelyo ko kanina eh dahil sa sobrang higpit ng kapit niya.

At sanhi nun ay ang pagkatumba niya sa may sahig at medyo naguilty naman ako dahil sa ginawa ko sapagkat nakahawak siya ngayon sa may bandang siko niya na dumudugo at mukhang nabalian pa gayung ramdam ko ang kirot na kanyang nararamdaman.

"Gabb I'm sorry nabigla lang ako dahil sa kinuwelyuhan mo ako" pagrarason ko sabay abot sa kanya ng aking kamay para tulungan siyang makatayo pero tinapik niya naman yung kamay ko nang napakalakas.

"Jaydee?! Kilala pa ba kita? Patagal ng patagal ay mas lalo ka nang lumalala , ikaw pa ba yung bestfriend ko ah? Alam ko na may pinagdadaanan ka at ilang taon ko yun tiniis at inintindi pero ngayon nais kong maintindihan mo na tama na please , hindi porket na nasasaktan ka ngayon ay mananakit kana din, isipin mo yung taong nasa paligid mo , ayun yung jaydee na nakilala ko dati" sabi niya sabay tumayo na nakahawak pa din siya sa may siko niya , mukhang nabalian ata talaga siya ng buto dahil sa akin at masama yun gayung may upcoming tournament kami sa baskteball.

"Gabb??" Muling tawag ko sa kanya ngunit hindi niya na ako nilingon pa at nagpatuloy nalang siya sa paglalakad.

Napakuyom nalang ako ng kamao ko kasabay nun ay ang pagsapak ko sa may pader na siyang ikinadaing ko din naman gayung ang sakit.

"Jaydee?! Anong ginagawa mo bakit mo sinusuntok yang pader? Kung gusto mo tara sa gym dun mo ilabas yang sama ng loob mo ngayon" nabigla naman ako nang biglang sumulpot sa harap ko si jie at sabay hinawakan yung kamay ko na nagdurugo ngayon.

"Bakit di ka nag ingat ah? Pwede mo namang takpan ng make up yang hickey mo sa leeg bakit kailangang idisplay mo pa yan huh at makita ng iba?!" Medyo iritableng sabi ko sa kanya sabay alis nung kamay niyang nakahawak sa akin gayung baka may makakita sa amin ngayon.

"Im proud i guess?!" masayang wika niya sa akin na ikinailing ko na lamang.

"Proud of what? Hickey na galing sa akin ganun ba jie?! You know what alam mo naman na may fiance ako diba? Paano kung malaman niya na sa akin galing yan?" Alalang sabi ko nginisihan niya naman ako na ikinainis ko , is she trying to make me look bad na talaga?

"So you're crediting Queen right now as your fiance? You just said earlier while we're kissing na you don't care about her feelings? But now? Ang bilis naman magbago ng isip mo jaydee? Kasing bilis ba ng pagpapalit mo ng babae habang may fiance kana?" Sabat niya pa na hindi ko nagustuhan, akala ko soft and baby girl klase ka ng babae may itinatago ka din palang animal dyan sa kaloob looban mo.

"So what?! It's me Jaydee V. Garcia? Hindi uso sa bokabularyo ko na iisa lang ang babae ko , So if you mind get out of my way nakuha ko na ang gusto ko sayo kaya , wala na akong paki sayo ngayon" inis kong sabi sa kanya , ako lang naman ang nakinabang sa kanya wala naman siyang napala sa akin gayung ako lang ang tumikhim sa kanya.

"You're a trash garcia! Alam mo? Darating din sa part na ikaw naman ang masasaktan dahil sa pinanggagagawa mo ngayon and I'll wait for it!" Aniya niya ako naman ay binigyan lang siya ng let's see look and then naglakad na ako papalayo , so ako pa ngayon ang naging basura?

Eh siya naman yung panay lapit sa akin tuwing kakatapos lang ng practice namin at tsaka dinadalhan pa niya ako ng makakain at mga luto niya pang breakfast , what an effort bitch.

Maya maya nakarating na ako sa meeting area at kasalukuyang nakikinig lang sa sasabihin ni coach , dumating naman si gabb na may cast yung kamay niya.

Damn confirm ko na na nabalian siya ng dahil sa akin, napatingin naman siya sa akin nang walang emosyon ang kanyang mukha , mukhang galit nga talaga siya.

"So ayoko na magpaligoy ligoy pa?! Let me introduce to all of you the new player of our Team! Kielle Jackson!" Masayang sabi ni coach , hmp she's quite familiar to me ah.

I don't know kung saan ko siya nakita but i do think na kilala ko siya based din sa surname niya , ka ano ano niya kaya si Mr. James Jackson?  Yung ka sosyo din ni Mr. Pinlac sa kumpanya na kilala din ni daddy but they've never been close kasi pareho silang attitude.

"Hi Everyone?! Im Kielle , I hope na maging ka close ko kayong lahat!" Masayang sabi niya sabay isa isang kinamayan yung mga co players at panghuli ay ako naman.

"Hello its nice to see you again Captain Garcia?!" Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin , kinamayan ko naman siya , tsk hindi ko nagugustuhan yung tinginan niya ngayon ah na parang naghahamon ng world war 3.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now