C18

588 82 16
                                    

Frances Pov

Hapon na ng makarating kami dito ngayon sa tabing dagat , naglalalakad lang kaming apat at dinarama ang pag hampas ng hangin sa aming mga katawan.

Nakatingin lang ako sa may alon ngayon na papalapit sa mga paanan namin ngayon.

Napatingin naman ako kay gabb na gumawa ng paraan para maiwan kaming dalawa ni coleen dito dahil may pag uusapan kaming dalawa tungkol sa naging ganap kanina.

"Dee?! Naubos na yung tubig natin , bili mo na tayo doon oh , nang sa ganun ay pag nauhaw tayo dito ay may maiinom tayo" sabi naman ni gabb , napatingin naman sa akin si jaydee na tila bay nagpapaalam sa akin.

"Sige na samahan mo na siya , okay lang kami ni coleen dito at tsaka mag pag uusapan din kaming dalawa" aniya ko sa kanya lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa may bandang noohan ko.

"We'll be back!" Sabi niya sa akin at umalis na nga silang dalawa , napaupo naman na ako sa may buhangin which is yung hindi basa ah.

"So anong sabi ni Doc pogi sayo frances? Is it that bad na ayaw mo ding sabihin ang totoo kay jaydee?!" Tanong sa akin ni coleen saka hinawakan ang aking kamay , naupo na din siya nang sa ganun ay mayakap niya ako.

"My situation is getting worst and worst , ramdam ko na din yung sobrang pagkapagod coleen , ang bigat na din sa pakiramdam sobra pero masaya ako na gawin lahat ng ito kahit nakakapagod" malungkot na saad ko sa kanya , feeling ko parang may ticking bomb sa loob ng katawan ko na hindi mo malalaman kung kelan ba sasabog.

"Yung operation ut-ut? Hindi ba posible yun? Sabi ni tito pwede daw yun ah? Pumayag ka nalang kaya na mag pa opera?" Suhestyon naman ni coleen sa akin napailing nalang ako at kasabay nun ay ang pagbagsak ng luha ko sa aking mata.

"It's possible but its dangerous coleen,. Mas pipiliin ko pang mag suffer at makasama pa kayo kesa mag take a risk sa isang operasyon na sobrang baba ng chance para mabuhay ako" aniya ko sa kanya saka pinunasan yung mga luha ko baka kasi magtuloy tuloy na yun eh at tsaka baka pabalik na din dito sila jaydee.

"Queen?! Hindi magugustuhan ni jaydee ito kapag nalaman niya , ayaw niyang mag suffer ka pa kung siya ang iniisip mo , the operation has a low chance but don't you trust your doctor? Sa buong career niya puro successful yung naging operasyon na siya ang main surgeon" sabi naman niyang muli saka hinaplos haplos yung likuran ko ngayon.

"He's afraid to do it coco , cause im his first client since na naging surgeon siya , he's afraid na baka siya ang maging dahilan din ng pagkamatay ko kaya he recommended me to take meds nalang and pray but he recommended my dad a russian surgeon" tugon ko naman sa kanya , he suggested it na sobrang delikado ng operasyon , he's confident na magagawa niya yung operasyon but hindi niya masisigurado na mabubuhay ako so he recommended some of her trusted friends sa america.

"Argh ut-ut! I know you're tired na but please lumaban ka pa ah , you're strong ut-ut!" Naiiyak na sabi niya sa akin , i wanna live more years! Ayan ang nasa isipan ko ngayon.

Gusto kong sumigaw ngayon na ayoko pang mamatay! Ayokong maiwan ng luhaan ang mga mahal ko sa buhay lalo na si dad kasi ako nalang ang meron siya.

"Let's go there! I know na gusto mong isigaw yang nararamdaman mo kaya dito mo gustong pumunta , i know a place na hindi ka maririnig din ng ibang tao!" Sabi naman sa akin ni coco habang pinapunasan ang kanyang kamay , inabutan niya naman ako ng kamay upang makatayo ako.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now