C15

759 83 7
                                    

Frances Pov

Day 1

Nakadress ako ngayon at magkasama na kaming naglalakad ni jaydee papuntang parking lot kasi nandun na daw kasi sila Gabb at Coco na nag aantay.

Bali isang sasakyan nalang yung gagamitin namin papuntang Enchanted Kingdom , medyo excited ako ngayon kasi nga makakasama ko sa rides si jaydee for the first time.

Habang naglalakad kami ay nakatingin lang ako sa may baba at tinitignan yung kamay ni jaydee ngayon.

Masarap siguro sa pakiramdam na mahawakan yung mga kamay niya ano? Masyado kasi akong nagpokus kaninang umaga sa inis at gulat ko din sa ginawa niya.

"Queen?? Uy okay ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman umiimik? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong niya sa akin umiling naman ako at nginitian siya.

"Im okay jaydee don't worry about me?! Hmp tara bilisan na natin at kanina pa nag aantay sila gabb at coleen sa baba" aniya ko sa kanya at naglakad nalang ng mahina , naririnig ko naman yung mahina niyang paghalakhak , ano na naman kayang trip niya ngayon at napapangiti siya?

"Hmp mabuti pa nga queen?!" Dagdag niya tsaka biglang hinawakan ang aking mga kamay na ikinagulat ko.

"Ikalma ang puso ako lang to?" Aniya niya sa akin saka biglang hinalikan ang aking kamay , gosh yung puso ko tatalon na ata sa galing sa dibdib ko sa sobrang bilis ng puso ko ngayon.

Buti nalang at normal pa din naman yung beat per minute nitong heart rate ko na relo.

Feeling ko si jaydee talaga ang magiging sanhi ng pagkamatay ko hahaha masyado niya akong pinapasaya sana ganto lagi.

Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad at pasimpleng napapangiti ako dahil napakalambot at sarap hawakan ng kamay ni jaydee.

"Hay nako! Buti naman at dumating na kayo? Tara na sa loob ng sasakyan mo jaydee dahil kanina pa kami nag aantay sa inyo dito?!" Angal naman ni gabb kay jaydeee pangiti ngiti naman si jaydee dahil halatang nagsinungaling si gabb.

Matagal ko na din alam na may gusto siya kay coleen kaso si coleen hindi niya pa inaamin sa akin na may gusto din siya kay Gabb.

"Eto na bubuksan ko na?! Ako ba ang magdadrive o ikaw na gabb?!" Tanong naman ni jaydee nang mabuksan niya na yung sasakyan niya.

"Ikaw nalang dong?! Usto kong umidlip muna sa byahe eh medyo antok pa kasi ako" aniya naman ni gabb , binitawan naman na ni jaydee yung kamay ko at inilagay na yung gamit namin sa may gilid ng driver seat.

Ako naman ay unti unti nang naglakad sa kabilang upang makaupo na din , nakatingin lang ako sa kamay ko ngayon.

Parang ang lungkot tignan ng kamay ko ngayon kung hindi hawak ang kamay ni jaydee.

Akmang bubuksan ko na yung pintuan ng kotse nang bigla itong buksan ni jaydee napatingin nalang ako sa kanya na gulat na gulat , napaka sweet niya naman talagang tinototoo niya yung sinasabi niya ah.

Nginitian niya na lang ako at pumasok na ako sa loob , ingat na ingat niya namang hinawakan ang ulo ko baka kasi mauntog ako or what.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now