Chapter 10 - Naughty Jessica

979 52 13
                                    

BEA.

Ang ganda ni boss Jema, maganda pa siya sa umaga. Halos matapilok ako dahil sa kanya lang ako nakatingin habang naglalakad.

Ngitian ba naman niya ako ng pagkatamis tamis kanina hayyyy. Buo na agad yung araw ko kahit umaga pa lang.

Malapit na ako sa kanya ng mapansin ko na parang  nagsasagutan sila ni Tukne. Boss Jema I think is telling him off. After that ay tinignan ako ng masama ni Tukne.

Hala, may ginawa ba ako? Bakit parang kasalanan ko?

Napapaisip ako ng biglang humarap si boss Jema.

Ang engot ko naman, hindi ako nakaiwas at nasagi niya ako.

The impact made her sway to the side. I instantly moved my hands and caught her on time.

Para paraan din Beatriz ah.

There it goes again. We had another "accidental" bump into each other. While these instances could certainly be innocent, they might also be a sign haha. 

I think the universe is pulling and pushing us together.

Aasa ba ako na may mangyayari?

I have a strong crush, yes, kay Jema. But I know the real situation.

She is married.

She is straight.

Forget it Beatriz.

I slowly assisted her to stand on her own.

"Hello po, boss Madam." I said upon letting her go.

"Let's go." sagot niya sabay lakad na.

Ha? Ang taray na naman po niya. Hindi man lang ako tinignan or binati. Medyo na-hurt ako ah.

Sabagay, sino ba naman ako?

Her bodyguard. Alalay. Sidekick.

Oo nga pala, I forgot. I was suddenly thrown back to reality. Sumunod ako agad sa kotse niya bago pa ako maiwanan.

"Gusto niyo po ako na ang magmaneho?" alok ko.

Parang hindi bagay sa kanya na nagda drive tapos ako yung pasahero.

"No. I don't allow anyone to drive my car." she replied without looking at me.

Ang sungit talaga. Mukhang hindi maganda ang gising ni boss Jema kaya tumahimik na lang ako.

Pasulyap sulyap na lang ako sa kanya habang nagmamasid din sa paligid namin. I think I saw that red car again at the back. Hindi lang ako sure kung ito yung nakita ko last time dahil hindi ko makita ang plate number.

Boss Jema naman is quiet lang kaya nawili ako sa pagsulyap sa kanya ng palihim. Ang ganda talaga niya kahit saang anggulo mo siya tignan. I can't get enough of her face.

Her jawline is the most prominent feature on her face that I really like.

When you look from my point of view, the line from the tip of her chin out to the lower jaw angle is strong and smooth. The angle is so well-defined, no fat or double chin.

Ang sarap sigurong halikan nito by tracing the edges with your lips and tongue.

Oppsss.

"Why?" tanong niya ng napansing nakatingin ako sa kanya.

Patay na!!!

Isip ka ng dahilan Beatriz, dali!!

"Huh? Hmmm, may dumi po kasi sa pisngi ninyo." sagot ko.

The ProtectorWhere stories live. Discover now