Chapter 11 - Triangle

820 50 17
                                    

BEA.

Nakasunod ako ngayon sa convoy ng sasakyan nila Gob. Anton. They allowed me to use my motorbike going to this birthday party.

Naka red alert na ang buong tropa dahil magkasama ngayon ang mag asawa.

Kumbaga, double package ang binabantayan namin. We cannot allow any untoward incidents to happen with the governor and his wife.

Hindi naman masyadong halata na kasama ako sa grupo nila Gob. I am following with the right distance lang. Lahat ay vigilant, lalo na ako, sa mga sasakyan na nasa paligid. We are all wearing two-way radio headsets and microphones para madali ang communication between us.

Time flies, I've been working for the Villarama's for a week now. Hindi ko akalain na mag eenjoy ako ng husto dito. Kahit sila Ponggay and friends ay nagtataka na sa akin dahil hindi na sila nakarinig ng reklamo from me.

Kaya pati yung incident sa birthday party ko, natabunan na. They didn't bring my ex up again, which is good. Sobrang busy at focus ako sa trabaho ko ngayon.

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa mga nangyayari sa Villarama household. I learned a lot about them especially Gob. Anton.

Akalain mo yun, he's playing with fire. Kahit naman hindi ko mismo nakikita ang ginagawa nila ni Ma'am Ali inside his room, I already have an idea.

Of course, I want to do my main job and that is to protect the governor. So it is better for me to just shut my mouth to avoid problems at work.

His personal life does not matter to me. Gawin niya ang gusto niyang gawin. Wala akong karapatan manghusga sa kanya. Kung may tao mang dapat, ito ay ang asawa niya.

Kaso, naaawa talaga ako kay boss Jema. Does she know about it? Siguro naman may idea siya kahit papano. Kasi imposibleng wala siyang alam.

Di ba malakas ang radar ng mga babae sa ganyan?

Anyway, nandito na kami sa bahay ni Governor Escudero. I was also allowed to enter the party venue as part of Gob. Anton's entourage. My task is to watch him and the missus, secretly.

Para hindi masyadong halata na part of security nila ako, nagbihis ako ng pang party. Yup, naka fitted black pants ako with matching white blouse. Formal black jacket and black shoes.

When we were inside, nagpahuli lang ako ng konti sa mag asawa. I can see them smiling at panay ang kaway ni Gob sa mga taong nandoon.

Heads and eyes spontaneously turned to them. You can feel their admiration to the couple.

Sino ba naman ang hindi?

Sobrang guapo at tikas ni Gob sa suot niyang gray suit with matching earring. His presence will definitely make you look in awe. Some women are totally gaga about him.

Hindi nagpatalo si boss Jema with her red dress na bumagay sa malasutla niyang balat.

Halos lumuwa nga ang mata ko kanina nung nakita ko siya. I wanted to tell her that she looks lovely but of course hindi ako nakalapit sa kanya.

Naalala ko yung nangyari sa loob ng dressing room kahapon.

That was super unexpected. I don't know if she did that on purpose. Sabagay, wala na kasi si Jia, sino nga naman ang magbababa sa zipper ng kanyang damit kundi ako.

Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa sobrang tense ng sitwasyon kahapon. I touched her skin and it felt surreal.

Sobrang strange talaga and difficult to explain yung naramdaman ko sa pagdantay ng aking palad sa balat niya. Buti na lang at hindi niya nahalata ang malalim na hininga ko.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon