Chapter - 19 - The Past

806 41 19
                                    

BEA.

I was early as usual so I did not have a hard time looking for a parking space. Maingat kong ipinarada ang motorbike sa favorite spot ko. Malayo sa lahat, iwas gasgas. I got down and walked to the capitol building door, whistling happily.

Finally, nakalabas na sa hospital ang Dad ni Myla kaya hindi na siya pumupunta doon. It means that I don't have to go with her. Halos isang linggo din akong natoka sa kanya. Kay Gob Anton uli ako naka assign ngayon.

I prefer it here, sa totoo lang. Mas may action sa trabaho pag si Gob ang binabantayan namin. With Myla kasi, I was like her personal assistant na at parang naging confidante niya na ako.

Napansin ko din that she is becoming clingy to me already. Need ko na umiwas iwas muna as I don't want to give her wrong signals. Baka kasi iba ang isipin niya.

We are getting closer, yes. But for me, only as a friend. Panay na kasi ang pahaging niya that she likes me.

Like you? As what Beatriz?

Sabagay ayoko namang mag assume agad na gusto niya nga ako. But all the signs are there.

Anyway, I'm just doing my job, period. Nothing more, nothing less.

"BDL, may meeting tayo in ten minutes. Inform the others." utos ni sir Blue pagdating niya.

Tumango ako at isa isang pinuntahan at sinabihan ang mga kasamahan.

"Parang may okasyon tayong paghahandaan ah." sabi ng isa sa tropa while waiting sa briefing room.

"Ano kaya ang event na naman?" I asked Abe.

"May big party na gagawin ang mga Villarama. Birthday na kasi ni governor Erap next month pero maaga daw nilang ise-celebrate dahil nga naka recover uli ito. Thanksgiving na rin." sagot niya.

Tama si Abe. May surprise party nga sila for ex Gob Erap pero hindi ito sa bahay nila gaganapin. Nagpa meeting si sir Blue para makapag ready kami ng mga damit. Then we had a short briefing kung ano ang mga kailangan pang gawin.

"We can relax a bit because as of the moment, wala naman pang reason to raise the red alert. After that unsuccessful ambush nila kay Gob Anton ay wala ng untoward events na nangyari. Kaya nagpasya si Gob na mag bakasyon muna, kasama tayong lahat siempre." sir Blue said.

Unless isasama nila yung gabi na may sumunod sa amin ni Jema. Kaso parang hindi na nila ito masyadong binigyan ng kaukulang pansin. Dahil siguro hindi naman na ito nasundan pa. Usually sa ganitong set up, it's the main boss ang target ng kalaban at siya dapat ang laging babantayan talaga.

"Yehey, makakatikim na uli tayo ng dagat." excited na sabi ni Abe after ng meeting.

"Parang bata ah." sabi ko habang naglalakad na kami papunta sa pantry.

"Oo naman. Naka bakasyon ka na ng libre, may sahod pa. San ka pa?" tatawa tawang sagot niya.

Naisip ko si Jema. Magkikita at magkakasama kami. Nagbunyi ang isip ko. Hindi alam ni Abe na mas excited ako kesa sa kanya.

I miss her.

I miss Jema.

I miss Jessica Galanza.

Actually, lagi ko siyang naiisip at automatic na yung ngiti sa mga labi ko tuwing nangyayari ito. Binabalik balikan ko din yung huling pagkikita at usapan namin.

Hindi man kami talagang nakapag usap noon about us, we do understand our situation. No need to discuss it further yet since she will still be going through the process of divorcing her husband. A very complicated case.

The ProtectorWhere stories live. Discover now