Chapter 37 - Conspiracy

287 24 9
                                    


JESSICA

"Kuya Boy, I'm thirsty, can you buy water for me?" I said while we are leaving the event place.

"Opo ma'am, hanap na lang po ako ng malapit na 7-11." mabilis na sagot nito.

I'm so glad na naniwala si Blue sa acting ko na masakit ang ulo at nakaalis na doon. I badly need to see Ponggay

After 5 minutes ay huminto na nga kami sa harap ng convenience store. Nakita ko na madaming customer sa loob. Tumingin muna sa salamin si Kuya Boy, tumango ako ng bahagya sa kanya. Tumikhim siya bago inutusan ang kasama naming bodyguard na bumili ng tubig.

"Bakit ako?" he asked.

"At sino ang gusto mong bumaba? Alangan naman si Madam Gob? Alam mo namang hindi ako pwede, SOP sa atın na dapat ay laging nasa sasakyan ang driver." kunwari ay galit na sagot ni Kuya.

Parang ayaw bumaba ng bodyguard. Lumingon pa ito sa akin kaya nagkunwari akong masakit ang ulo. Hinilot hilot ko ang aking noo at parang inaantok na.

"Alam ko yun pero walang magbabantay kay Madam Gob. Naiwan yung isang kasama ko kay Gob tapos wala pa tayong back up. Mayayari ako pag may masamang mangyari sa kanya." reklamo pa nito.

"I'll be fine. Sige na, bilhan mo na din ako ng paracetamol." utos ko sa kanya sabay abot ng pera.

Sinadya kong 1,000 peso bill ang binigay sa kanya para may sukli ito. Kakamot kamot ang ulo na lumabas ito ng sasakyan pero hindi niya kami nilubayan ng tingin.

Nung makita namin na nakapasok na ito sa loob ay mabilis na pinaharurot ni kuya Boy ang sasakyan. Hindi naman ito napansin ng bodyguard dahil nakatalikod ito sa amin.

"Thank you, for doing this." mabilis na sabi ko.

"Huwag pa po kayong magpasalamat Madam Gob, hindi pa po tapos ang laban." sagot niya.

"I know but thank you pa din for not thinking twice in helping me. Nawawala po kase si Bea kaya kailangan kong makausap si Ms. Gaston ngayon." sabi ko.

Tahimik lang itong nagmaneho. Ito ang gusto ko kay Kuya Boy, he just do his job without question.

"Just tell them that I received an urgent call from Jia at inutusan kita kaya tayo nag iba ng route at naiwan yung bodyguard sa store." I instructed him when we reached Bea's house. 

"Sige po Ma'am." he replied.

Alam ko kase na hinahanap na kami ngayon nung bodyguard. At anytime now ay tatawagan na siya ni Blue, if not Anton.

Ponggay was waiting for me at the gate kaya hindi ako naghintay ng matagal sa labas. We went inside the house quick.

Malaki ang bahay nila. Nabungaran ko sa magarang sala ang parents ni Bea. How do I know that it's them? Well, they looked like her, as in, lalo na yung Daddy niya.

Tumayo agad sila pagkakita sa amin ni Ponggay. Medyo nahihiya ako at hindi alam kung ngingiti ba sa kanila o ano. They're not saying anything too kaya medyo awkward ang atmosphere, buti na lang at nandito si Ponggay.

"Tito Elmer and Tita Det, this is madam Gob po pala, si Ms. Jema. And ah Ms. Jema, sila ang parents ni bro este, ni Bea." she introduced us to each other.

"Good evening po." I timidly said.

"Hello Ms. Jema. You're so pretty pala talaga. It is nice to finally meet you in person." sabi ng mommy ni Bea habang bini-beşo ako.

"Me too, po." sagot ko.

Her Dad looked at me and smiled for a second before turning serious. I understood him as we don't have time to do pleasantries, not at this critical moment.

The ProtectorWhere stories live. Discover now