Chapter 38 - End Game

374 28 9
                                    


ANTON

"The fuck Blue!? Why did you let her go without me?" galit na tanong ko.

Pagbalik ko sa kuarto kung saan kamı nag stay ni Jema kanina, the room is empty, wala na akong nadatnan. I was expecting to see Jema but she's nowhere to be found.

Umuwi na daw si Jema sabi ni Blue. Kung di ba naman iinit ang ulo ko sa kanya. Kaya pala ayaw niyang lumapit sa akın, nasa likod lang siya at kunwari ay nagbabantay sa crowd.

After my speech earlier, I stayed in the stage and talked to my alliances. Siguro inabot din ito ng isang oras.

Kahit sobrang init ay nag tiyaga ako, mahirap na baka makalimutan ako ng mga tao pag umalis agad. We did pictorials, a lot of singing, dancing and cheering for the crowd.

It was a successful night kaya naman nawala ang galit ko saglit kay Jema. She was so stubborn kanina. Ano kaya ang nakain nito at nagiging palaban na sa akin kahit nasa public kami? Is it because of Bea, is she still with her?

Ang utos ko, tapusin niya na ang relasyon nila! Hindi pa ba niya ito kinalasan? Mas tumindi ang galit ko. I need to eliminate the enemy asap.

I closed my eyes momentarily pero napakuyom ang mga kamay ko nung naalala uli ang mga larawan na pinadala sa akin. Up to now ay wala pang report si Blue kung sino ang nagpadala nito sa akin. As of the moment, there's a lot of mess in my camp.

"Blue, I won't repeat myself!" sabi ko.

"G-gob, m-masakit daw po ang ulo ni Madam Gob. Siya po ang may gustong umalis na kaya naman ipinahatid ko na kay Kuya Boy." Blue replied.

"You could have told me bago ka sana nag desisyon! Nasa stage lang ako kanina!" bulyaw ko sa kanya.

"Apology po Gob." nakayukong sabi niya.

"O ano pang tinatayo mo dyan? Let's go! I'm sure nasa bahay na si Jema." I said.

Para naman itong binabad sa suka at hindi pa rin gumagalaw. I gave him a questioning look.

"Ah Gob, wala pa daw po si Madam Gob sa bahay. Katatawag ko lang kay Tukne." sabi niya habang pinagpapawisan.

Humarap ako sa kanya.

"What do you mean wala pa si Jema sa bahay? You told me na kanina pa sila nakaalis." tanong ko while checking my watch.

Almost two hours na din ang lumipas. They could easily reach our house in an hour or less depende sa traffic.

"Kasi po ganito ang nangyari. Nagpadaan daw po ng 7-11 si Madam Gob para bumili ng tubig at gamot at ang inutusan nila yung na-assign na bodyguard. Pagbalik nung bodyguard sa parking area, wala na ang sasakyan. Itinawag niya ito agad sa akın." Blue explained.

Agad ko siyang kinuwelyuhan at isinalya sa pader.

"What, nasalisihan kayo? Don't tell me na nawawala ang asawa ko! Where's my wife? Sino ang nag abduct sa kanya?" galit na tanong ko.

"Ay hindi po Gob. She's safe. Tinawagan ko na si Kuya Boy. Nalaman ko na nagpahatid pala siya sa bahay nila Jia." mabilis na sagot nito.

Jia.

"Bakit siya nagpunta kay Jia?" I asked.

Eventually, nagkwento na si Blue kung ano ang nangyari kanina. Gusto palang puntahan ni Jema si Jia after siyang tawagan for an emergency pero hindi niya pinayagan. Jema stayed in the room until she fell ill kaya nag decide na si Blue na ipahatid ito kay Kuya Boy. Obvious na gawa gawa lang ito ni Jema para pumayag si Blue.

Naisahan ni Jema si Blue!

Of all my bodyguards, si Blue ang pinaka magaling pero nautakan lang ni Jema. Binatukan ko muna sya bago ko tinulak palayo sa akin.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon