Chapter 30 - Take A Risk

1.1K 39 36
                                    

JESSICA.

"Sis, are you okay? Kanina ka pa walang kibo." Myla asked as she sat beside me.

"Ha? I'm okay naman, just tired." I replied while looking around.

This place is packed. I have a hard time checking who's who because of the large number of people. May mga nakilala naman ako pero hindi ko na sila makita ngayon. Yung mga kasama namin sa table kanina ay nawala na. Kami na lang ni Myla ang naiwan dito after we had our dinner.

I glanced at the front. Some people are on the stage right now. May nagsasalita na sa microphone but I don't pay attention sa sinasabi nito. He is the master of ceremony, I think.

Dumako na sa baba ng stage ang mga mata ko, I saw Anton surrounded by his political party members. He is the center of their attention as they looked and listened to him. I think siya na ang susunod na tatawagin para magsalita.

Nandito kami ngayon sa launching o get together ng partido nila Anton kaya puro electoral campaigns ang topic. You can see the whole area with their posters and banners. Malapit na kasi ang election kaya puspusan na ang paghahanda para sa pangangampanya.

As usual, I have to act interested even if I'm bored as hell. Kung pwede nga lang tumakas na.

Umikot uli ang mga mata ko hanggang umabot sa may gilid at doon ko nakita ang aking hinahanap. Ang pamilyar na mukha. Sakto naman dahil nakatingin na rin pala siya sa akin.

We looked at each other discreetly. Ang mga mata niya ay lumiliwanag at tila ba nang aakit sa akin. Even if she is wearing a mask, I can tell that she is smiling at me.

Bea.

Napangiti ako ng sobra. Every time she looks at me like that, my heart starts beating fast. Kinikilig ako kaya saglit kong binawi ang aking tingin sa nakakapasong titig niya.

Napailing iling ito pag tingin ko uli sa kanya. She knows how I feel at obvious naman na natutuwa siya sa epekto niya sa akin.

I miss this woman, arghh. Bigla tuloy akong napa crossed leg. Hindi naman lingid sa kanya ang ginawa ko kaya sinundan niya ng tingin ang legs ko. At hindi pa pala siya tapos magpakilig dahil isang kindat ang pinakawalan niya na tumunaw sa akin.

Napa lip bite ako ng hindi ko namamalayan. Parang kaming dalawa lang ang tao dito sa lugar. I did not stop staring at her until she was distracted by a call on her radio.

Sumenyas muna siya na sasagutin niya ito bago nawala sa paningin ko. Tumango ako sabay tingin uli sa stage.

Ever since the wedding of Jia and Miguel, wala ng ibang ibinigay na assignment kay Bea si Blue. She was assigned strictly to us only, sa aming mag asawa lang.

If Anton have an engagement, she is with him all the time. Kung ako naman ang may lakad, siya din ang bodyguard ko pero kasama lagi si Abe. Naaawa na nga ako sa kanya dahil sobrang hectic ng schedule niya. Parang hindi na yata ito nakakapahinga. Bea assured me though that she is capable with whatever job Anton gives her. Huwag daw ako mag alala.

Akala ko pa naman ay talagang papalitan na ni Anton ang security team niya. I don't know why he changed his mind, to be honest.

Natigil ako sa pag iisip dahil may mga babaeng naglalakad sa may side namin.

They are all donning revealing dresses. Parang hindi naman yata bagay ang suot nila sa okasyon, huh! My eyes were glued to the last one as she looks familiar.

Ali!

The fuck. That bitch is here! I thought she was already sacked by Anton. What is she doing here? Naloko na naman yata ako ni Anton. I closed my eyes and inhaled deeply.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon