Chapter 24 - Rescue Me

808 41 93
                                    

JESSICA

After the explosion, nagkagulo na lahat ng mga tao. Kanya kanya ng takbo. I wanted to go back inside to check and see Bea but Tukne and the rest of the bodyguards did not let me. They all pushed me inside a car and took me away, as far as they could from the building.

Everything is in complete haste. I am still confused as to what is happening because my mind is focused on Bea only.

My God, huwag po sana siyang mapahamak. I won't forgive myself if something bad happened to her. I should have stopped her going back dahil alam ko na delikado pero hindi ko siya napigilan. Matigas din kasi ang ulo niya sa totoo lang tapos sobrang dedicated niya sa trabaho.

Nagdadasal na lang ako habang nasa sasakyan kami, hoping that Bea will be safe. Hindi naman ganun kalakas ang pagsabog pero makakapatay ito if you are in the area where it exploded. 

Kahit anong utos ko kay Tukne na huwag muna kaming umalis ay hindi niya pinakinggan. He is just following an order daw. Obviously, it's from Anton or maybe Blue. Ang dami niyang kausap sa cellphone.

Kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Bea. Basta na lang nila kasi akong isinakay ng kotse at paghinto nito ay nasa helipad na kami. A helicopter is waiting for us. I called Anton but his phone is busy.

Now, I am back in Manila. Sa isang iglap ay sobrang layo na namin ni Bea sa isa't isa. Anton was the one who personally picked me up from the airport.

"Babe, I'm so glad that you are safe. How are you? God, I thought I will not see you again. I love you." he said while hugging me.

"T-thank you. I'm okay naman pero babe, ano ang balita kay BDL at sa kasama niyang naiwan sa loob ng resort?" tanong ko habang yakap niya.

"You are here, back into my arms babe. Don't think of others muna. Let's go." sagot niya.

Inalalayan niya ako para sumakay ng sasakyan. Wala siyang balak sagutin ang tanong ko kaya sumunod na lang ako sa kanya. I wanted to go straight home but he insisted on going to the hospital first para ma-check up daw ako.

Although I feel alright, kailangan ko pa rin ngang matignan ng doctor.

So far, okay ang lahat ng vital organs ko. Walang severe effect yung explosion dahil malayo naman ito sa akin. The doctor prescribed me some medicines to take bago ako tuluyang pinakawalan. Sa bahay na lang daw ako magpahinga.

While on the way home, Anton was on the phone. Galit na galit siya sa kausap. I don't know who was it pero pinapa report niya lahat ng tauhan sa headquarters. Ipinikit ko na lang ang mga mata dahil sumasakit na ang ulo ko.

"Okay ka na?" tanong ko after his call.

"No. Makakatikim sa akin ang mga bantay na naiwan doon sa resort. Kabilin bilinan ko sa kanila na maghigpit but look what happened! Isa pa yang si Blue. He insisted on letting BDL lead the security group. Ang sabi niya magaling ito, wag daw ako mag alala sa iyo dahil nandoon siya pero kabaliktaran ang nangyari. Intruders were able to enter the area under her nose. She failed!" mataas ang boses na sabi niya after throwing his phone.

Eto na nga ba ang sinasabi ko, that he will blame Bea for the incident. Ang tanong, may kapabayaan ba talaga sa part ni Bea?

"Anton, you don't have to take it against your people. Ginawa naman nila ang lahat para ma-contain yung situation. Magpasalamat na lang tayo na walang nangyaring masama sa akin, iyon ang importante. Maiba ako, kumusta naman kaya sila BDL at yung isang guard na naiwan sa loob? May balita ka na ba?" tanong ko.

Still, no answer from him. Hindi ko na siya inusisa pa at baka makahalata na.

"So, what really happened in Boracay?" Anton asked me after putting all his stuff on the table.

The ProtectorWhere stories live. Discover now