Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️

1K 53 74
                                    

JESSICA.

Anton was not happy with Myla when we got back home. Siya agad ang in-interrogate niya. I'm a bit surprised as he did not ask me where we went. Puro si Myla ang tinanong niya.

"You knew that Jema needs rest tapos yayain mo lang magkape sa labas. You could have ordered and have it delivered here." he said.

Napatingin naman sa akin si Myla at parang nanghihingi ng tulong. Like, give me an alibi look ganun but I just shut my mouth.

Less talk, less mistake ika nga.

"Yes I know Kuya, I'm really sorry. We got bored na kasi sa bahay." she replied.

"Alam mong delikado pa sa labas. Madaming tao ang gustong itumba ako. Okay lang sana kung ako lang ang targetin nila but my enemies don't work like that. They can easily target my family, my loved ones. Ang dali dali nilang kidnapin ang isa sa inyo ni Jema. Did you even think about the consequences of your action?" tanong ni Anton na halos hindi na makita ang mata sa galit.

"I am sorry talaga. It won't happen again Kuya, promise. Don't be mad na." Myla replied.

Nagpa cute na si Myla sa kanya sabay yakap dito kaya wala ng nagawa si Anton kundi ngumiti. Alam ni Myla na hindi magtatagal ang galit ni Anton sa kanya.

"Finally, you're smiling. Iwasan mong magalit lagi Kuya ha kasi nababawasan ang pagiging pogi mo. Nakakatanda yan. Hindi bagay sayo." Myla added.

"Alright but you are still grounded for 2 days. You are not allowed to go out unless it's emergency. From now on, you to tell me your whereabouts every time you are out. Maliwanag?" he asked.

"But Kuya, I'm not a kid anymore." angal ni Myla.

"Myla, hanggang nasa Pilipinas ka at nasa poder ko, you have to obey and follow me. This is for your protection, nothing else, so end of discussion." pagtatapos ni Anton.

"But Kuya.........." she said pero pinutol ko na ito.

"Tama ang Kuya mo. What we did today was so reckless. We should be careful next time." sabi ko.

Sasagot pa sana si Myla pero itinaas na ni Anton ang kamay niya to stop her. Walang nagawa si Myla kundi magdabog at tumalikod sa amin.

"Where are you going?" Anton asked.

"Bed. Wala din naman akong kakampi dito." she replied as she walked to the guest room.

Myla is obviously not happy with us but I understand Anton. Para nga naman ito sa kapakanan ng kapatid niya, namin. Kahit ako siguro ay ganyan ang gagawin kung may kapatid ako.

Masyado ng madaming masasamang tao sa ngayon. Lalo na sa politics, it's very dirty. Kaya ayokong pumasok sa larangan na yan dahil nakita ko kung gaano ito kadumi noong gobernador ang Tatay ko.

Hindi mo maiiwasan na magkaroon ng maraming kaaaway kaya dapat lang na mag doble ingat. Pati nga si Bea, nadamay na. Malakas ang kutob ko na may koneksyon kay Anton ang mga taong may masamang balak sa kanya. I thank God that nothing bad happened to her.

"Good night." pahabol ni Anton sa kapatid pero hindi naman na kami nakarinig ng sagot nito.

At yun na nga, naiwan ako ngayon kay Anton. Hindi ko alam kung tapos na ba siya sa litanya niya dahil umalis na nga si Myla.

I was about to get up and call it a night pero lumapit si Anton sa wine cabinet. Nagbukas siya ng alak at nagsalin sa basong nasa table. I noticed that he poured wine into two glasses. I decided to sit still as I knew that the other glass is for me.

"Here, have a glass babe. I can feel that you are tensed." he said as he handed it to me.

Ever since we arrived here, ngayon niya lang ako tinignan ng mata sa mata. Para bang may hinahanap siya sa akin.

The ProtectorWhere stories live. Discover now