Chapter 15 - Miss Villarama

806 47 10
                                    

BEA.

Hindi ako mapakali, I haven't seen boss Jema for three days now.

Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

I hope she is doing okay and not in trouble with her husband. Nagkausap na kaya sila? Were they able to salvage their marriage?

I wonder what happened to them specially after the issue with Ma'am Ali. Pero mukhang naayos naman nilang mag asawa ang problema dahil wala akong narinig about it sa news.

After having coffee kasi sa bahay nila ay pinag report na ako sa kapitolyo ni sir Boy. Nagkaroon kami ng briefing with the team headed by sir Blue.

Big issue kasi sa security details yung nangyari sa amin ni boss Jema kagabi. It was the first time daw that it happened. Kaya todo ang interrogation nila sa akin. I recounted to them what occurred. Inulit ko lang yung sinabi ko kay sir Boy, nothing more, nothing less.

Being a newbie, of course, they are not happy with me. They don't even agree on what I did but they knew that I was instructed by the wife of our boss. Sumusunod lang ako sa utos, giit ko sa kanila.

Nagkaroon ng heated discussion but in the end, we had an agreement on how it will be avoided. Napagsabihan ako na in the future, huwag ko na ulit gawin yung pagsosolo. Team kami kaya dapat na laging may communication sa bawat isa. Lahat ng desisyon ay ipapaalam sa boss namin.

Napag isip isip ko din naman na tama sila. Yung safety din ni boss Jema ang inaalala namin.

Pagkatapos ng briefing ay umuwi na ako. Sir Blue told me to have a two days off muna to rest dahil nga sunod sunod yung trabaho ko sa mga Villarama. Kaya hindi ko na uli nakita si boss Jema.

I miss her, but I can't do anything. Hindi naman ako pwedeng mag request na sa kanya ako i-assign uli. Baka magtaka sila at maghinala, lalo na si Gob Anton. Ang sama pa naman ng tingin niya sa akin the last time we saw each other.

Speaking of the governor, I was just thankful talaga na kinausap muna ako ni sir Boy noon kaya hindi na ako tinanong ni Gob kung ano ang nangyari sa gabing kasama ko ang asawa niya.

One thing that I'm curious though, who was that woman who arrived in their house?

Grabe, ang ganda ganda niya. Parang artista. Bigla na lang sumulpot kaya nataranta ang mga tauhan ng mga Villarama dahil sa pagdating niya.

I secretly asked Tukne pero hindi niya daw ito kilala dahil bago lang daw siya kila Gob.

"Bro, what's happening to you? Kanina ka pa tulala dyan ah." tanong ni Ponggay.

"What? Wala naman. May naalala lang ako sa work." sagot ko.

We are currently at her condo with Kat, Kim and Dani. Dahil nga naka day off ako, sinamantala namin yung chance so we decided to meet and catch up.

"Work na naman?" she asked habang nakataas ang kilay.

"Wow, ikaw ba yan Beatriz? You are thinking about work when you are here with us? Ouch." sabi ni Kat sabay hawak kuno sa dibdib niya.

"Oo nga, kanina ka pa tahimik at hindi man lang sumasali sa usapan. You keep on staring at your phone like you're expecting a text or call. Ayaw mo na kami ka-bonding?" sabat ni Dani.

"Sakit nun ah. Pinagpalit na tayo sa work. Char." biro ni Kim.

"Tsk, ang da-drama niyo sa buhay. Hindi bagay." sagot ko.

Pero nakakahiya nga sa kanila dahil lumilipad ang isip ko.

"Ikaw naman kasi bro masyadong seryoso na sa work. If I remember it right, you were reluctant to accept this job before, what happened?" Ponggay asked.

The ProtectorWhere stories live. Discover now