Chapter 36 - Eye For An Eye

257 28 10
                                    


JESSICA

"You looked great, babe. I can't wait to get home and devour you again." Anton said while eyeing me up and down.

Agad akong tumalikod at umupo malayo sa kanya. We are both dressed elegantly but I don't feel comfortable. Anton is holding a glass of whiskey, mukhang may balak maglasing ang gago.

We are inside a private room, waiting to be called outside to face the crowd. Nasa event kami ni Anton kung saan ay gaganapin ang pinakamalaking rally ng mga kandidato sa kanilang partido. This is the penultimate time for them to win the voters before the election. Kumbaga, last chance for them to campaign.

I saw a glimpse of the crowd earlier, masyadong madaming tao. Siempre, kailangan madami dahil iko-cover ito ng iba't ibang networks bukod sa mga bloggers na nandito ngayon.

However, I knew for a fact that most of these so called media influencers are being paid to be here. Heck, even the people who will cheer and applaud every single person who will speak up later are all compensated. Mga hakot, yan ang tawag sa kanila. They come from different provinces, in batches, by bus and jeepneys. Bukod sa allowance nila ranging from 500-1,000 pesos, may free t-shirts, food and drinks pa sila.

They will vote for these candidates kahit hindi nila alam ang plataporma ng mga ito. Like Anton, he will definitely get their votes, isang kindat at kaway niya lang sa kanila, dagdagan pa ng konting kembot sa stage, sure win na agad. 

Ganito ang kalakaran ng politika sa Pilipinas. How sad.

"Hey, are you even listening?" nakangising tanong niya while clicking his fingers on my face to get my attention.

Aba, pagtingin ko sa kanya, nasa tabi ko na pala siya ng hindi ko namamalayan.

"Damn Anton, don't do that. Hindi nakaka pogi." sagot ko sabay irap at umusog palayo sa kanya.

Pinigilan naman niya ako at hinila pabalik sa upuan.

"Behave Jessica! Don't provoke me because I might not stop myself even we're in here." he whispered while licking my earlobe.

Tang ina nito, masyadong manyak na.

May dalawang bodyguards kaming kasama pero sa labas sila ng pinto nakabantay. So it's just me and Anton inside. Kailangan kong makisama sa trip niya para hindi ito gumawa ng kalokohan. 

"You must be the one who should behave. May speech ka pa mamaya baka nakakalimutan mo at saka hindi lang tayo ang nandito." sabi ko sabay tingin sa may pintuan.

"Oh the bodyguards! Wala silang pake sa atin babe. Takot lang nila sumilip dito." he replied while talking a sip of his drink.

How I wish na si Bea na lang ang bodyguard ko ngayon. Speaking of Bea pala, I tried calling her after talking to Kuya Boy but her phone is turned off. Madami siyang pinadalang messages sa akin after I sent my break up message to her. Tumatawag din daw siya pero naka off ang phone ko.

She was desperate to talk to me and fix things between us.

Kaya nagtataka ako bakit wala na siyang kasunod na messages sa akin. Nagsawa na yata siya and just accepted the fact na wala na kami.

The last few days was hell to me. Ang gulo gulo na. Nagbago lahat ng plano ko because of those photos, na up to now ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpadala kay Anton.

All of a sudden, I felt like I want to throw up. Dala na din siguro ito sa puyat at gutom. I haven't eaten anything since this morning kundi kape. Sinisikmura na tuloy ako.

Tumayo ako para kumuha ng tubig nang biglang may kumatok. Sumilip ang isang bodyguard.

"Governor, kayo na po ang next na tatawagin." sabi niya.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon