Chapter 18 - Mabagal

794 48 47
                                    

JESSICA.

Kanina pa ako inis na inis. I don't know why.

Weh, dahil ba sa sobrang close na nila Bea at Myla?

Wala akong pake sa kanilang dalawa. Kahit na magyakapan o maghalikan pa sila dyan.

Ang ayoko lang, Bea is supposed to accompany and guard us. Bakit naging personal alalay na yata siya ni Myla? Hindi namin siya hi-nire para lang makipaglandian. Aba, sayang ang ipinapasahod sa kanya.

She should do her fucking job bago lumandi!!

Yan na pala ang walang pake, wag kami Jessica.

Habang nasa biyahe kami ay panay ang usap nilang dalawa. Close na? I tried my best not to listen to their conversation pero siempre hindi pwede dahil nasa iisang sasakyan lang kami.

Mas lalong nadagdagan ang inis ko when Myla mentioned na alam niya na pala kung saan ang bahay nila Bea. Huh, kailan ito nangyari?

Based sa usapan nila, sa mismong bahay niya ito inihatid kung saan doon din nakatira ang parents ni Bea.

Naunahan niya pa akong makapunta doon?

Huwag na magselos tutal ikaw naman ang nauna sa pad niya.

At naalala ko uli yung mga nangyari sa amin sa pad ni Bea. Parang ang tagal na nun but I can still visualize it. The way she took care of me. The way she listened to my rants. Lastly, I can still remember her promise, that she will support whatever decision I will make.

Bea shared to me too na ako pa lang ang dinala niya sa kanyang secret pad. Oh well, daig ko si Myla pala. I smiled.

"We are really destined to cross paths Bea. Sabi ko nga, best friends na tayo. Hopefully I can visit you sa house ninyo and meet your parents." Myla said.

"Maybe, who knows?" tipid na sagot ni Bea sabay tingin sa akin.

Hindi ko nga siya pinansin. I looked out na lang at hinayaan silang mag usap until we reached the golf club.

Akala ko titigil na ang dalawa at magko concentrate na lang sa paglalaro ng golf, mali ako. Mas lalo pa silang naging maharot at sa harap ko pa nila ito ginagawa. Ibang golf yata ang alam nila.

Kunwari pa itong si Myla na hindi marunong kuno humawak ng club. Ihampas ko kaya sa kanya itong club ko. O kaya itong bottled water na hawak ko.

Easy ka lang dyan Madam Gob.

Halos mabali ko na yung club na hawak ko when Bea hugged Myla from behind. Dikit na dikit ang katawan nila.

I don't know if Bea knows it that Myla is enjoying the moment. Sinasadya niya talaga ito para mayakap ni Bea. I rolled my eyes and looked around dahil ayokong makita sila.

May napansin akong two guys na nakatingin sa akin. They immediately bowed down when they noticed that I was looking at them. Hmmm, titingin tapos mahihiya pag nahuli. Oo na, alam ko I'm pretty at talagang kaaya ayang tignan, char.

Pagbalik ko ng tingin kila Bea, aba muntik ng maghalikan ang dalawa. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong bote kaya natigil sila. Mukhang yamot na tumingin si Myla sa akin. Asiwang kumawala sa pagkakayakap si Bea.

"Oppps sorry. It slipped from my hand." sabi ko.

Bea doesn't looked convinced though. She tried getting away from Myla pero hindi na siya pinakawalan pa. Hinintay ko na lang sila matapos. Nag stretch na lang muna ako at nag ready na for putting.

"Do you want to try?" Bea asked when Myla is resting.

Huh, wala na nga siya sa green. Finally, it's my turn.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon