Chapter 13 - The Morning After

792 54 45
                                    

JESSICA.

Naalimpungatan ako.

Where am I?

Madilim sa loob ng kuarto kaya hindi ko makita ang buong paligid. I can hear something from outside though.

A rhythmic and low-frequency sounds.

Waves? Mas tinalasan ko ang aking tenga. Yes, definitely waves.

Nasa seaside area ba ako? Ang sarap pakinggan ng mga nag uunahang alon. Para akong idinuduyan nito at pilit na ibinabalik sa mahimbing na tulog kaya napapikit uli ako.

Bumaling ako sa kaliwang side at akmang yayakap na sa aking unan pero may nahawakan akong matigas na bagay.

Gaano katigas Jessica?

Dapat malambot ang unan ah, bakit itong hawak ko matigas? Medyo kinapa kapa ko ito, ang haba yata, hanggang sa lumambot.

Hinimas himas ko pa ito ng ilang ulit. Potek, it's someone's chest. Kahit na nasa ibabaw ng tshirt ang aking kamay, alam ko na dibdib ito dahil sa nakatayong nipple.

Opppsss.

Binawi ko agad ang aking kamay dahil parang napaso ito sa nahawakan. Suddenly, I felt nervous as there is someone else here. The person who is in bed with me moved, he or she turned and now facing me. Nanigas agad ang katawan ko sa takot. I didn't dare move.

Naamoy ko ang pabango niya.

Bea!!!

I am at Bea's house. She brought me here last night. I remember it now. Lahat ng nangyari kagabi ay muling bumalik sa aking isipan. I closed my eyes and saw Anton with Ali.

Bwiset, I opened my eyes agad.

Biglang nagising ang diwa ko dahil dito. Kung kagabi ay umiiyak ako dahil sa natuklasan, ngayon ay iba na ang aking nararamdaman.

I am beyond pissed.

Kanino, kay Anton o Ali?

Both. They betrayed me. But of course more on Anton ang galit ko.

Kasi kung talagang mahal niya ako, he won't cheat.

Kung may respeto siya sa akin, hindi niya yuyurakan ang dangal ko.

Kung mabuti siyang tao, hinding hindi siya mangangaliwa kahit pa maghubad sa harap niya ang maraming babae.

Kaya kung meron mang tao na dapat sisihin, si Anton 'yon.

Magtutuos kami mamaya.

Babangon na sana ako kaso biglang umangat ang kaliwang braso ni Bea at ikinulong ako dito. I can feel her chest na naman, it's touching my arm.

"Hmmmn...." she whispered.

Gising na ba siya? I waited if she will talk again pero wala na.

Parang ginanahan yata dahil mas lumapit sa akin at hinigpitan ang yakap. Sobrang lapit ng mukha niya sa kaliwang pisngi ko tuloy. Hindi na naman ako makagalaw. I am consciously aware of her breath on my face.

Silence. Wala na uling ingay kundi ang alon sa labas at ang mumunting hininga ni Bea. Mukhang sarap na sarap sa tulog ah.

Nakakahiya naman kung gagalaw ako, siguradong magigising siya.

What to do?

After 5 minutes, nag iba uli ng posisyon si Bea. She turned the other way kaya nakawala ako sa yakap niya. I slowly get up at pumasok sa banyo. I did my morning rituals tapos tumuloy na sa kusina.

The ProtectorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora