Bride - 15: She's the One

598K 11.1K 508
                                    


A/N: Thank you sa patuloy na pagsuporta sa story na toh :) Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


Till next time...


=============================


(Jewel's P.O.V)


"Okay, makinig kang mabuti ha? Importante tong bagay na ituturo ko sa'yo kaya dapat makinig ka ng mabuti. Okay?", seryosong sabi ko kay Aiden.


"Would you just say it already?", he said giving me a bored expression.


Tumikhim ako at seryoso pa ring tumingin sa kanya.


"Okay. Pag sinabi kong first day, ito ang dapat mong bilhin dahil mahaba. Karaniwan kasi pag first day, malakas talaga kaya dapat ito. Naiintindihan mo? Pero pag tapos na first and second day, pwedeng ito na ang bilhin mo pag nagpabili ako. Kuha mo?", taas kilay na tanong ko sa kanya.


"Tch. I'm a man Jewel. You don't expect me to be expert when it comes on choosing sanitary napkin that's why I bought one pack of each brand the other day.", Aiden


"Excuse me, may mga lalaking marunong bumili ng napkin noh! At kaya nga tinuturuan kita para next time, di mo na gawing grocery ng napkin ang mansion mo. Andami kaya nung binili mo. Anong akala mo? Isang taon akong nagreregla?", sabi ko naman sa kanya.


Andito kami ngayon sa isang grocery store and yes, tinuturuan ko siyang bumili ng napkin. Weird, I know pero kasi naman nung isang araw na biglang nagkaroon ako at nagpabili ako sa kanya... talagang tig isang pack ng bawat brand ng napkin ang binili niya.


"Malay ko.", kibit-balikat na sagot niya kaya napalo ko siya sa balikat niya ng wala sa oras.


"Dun ka na nga! Ikaw kumuha ng mga ito, habang sa akin naman toh.", sabi ko sabay abot sa kanya ang isang papel kung saan namin sinulat ang mga igro-grocery namin. Hawak ko rin ang isa pang papel kung saan nakasulat ang ibang bibilhin namin. Sa may toiletries section ako dumiretso.


Habang hinahanap ko yung shampoo na gamit ko ay may napansin akong isang familiar na mukha ng babae na hindi nasa kalayuan. Teka... si...


"Ice?", tawag ko sa kanya at lumingon sa akin yung babaeng may kasamang cute na batang lalaki.


"Jewel?", di rin makapaniwalang sambit niya sa pangalan ko.


Siya nga! Dali-dali naman akong lumapit sa kanila. "Ui, ang tagal na nating di nagkita a! Kumusta ka na?", tanong ko sa kanya.


Schoolmate kaming dalawa ni Ice nung high school. Candice Laurel ang real name niya pero Ice ang tawag namin sa kanya. Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero naging close kami dahil parehas kaming nasa may Music Club noon. Pero nung grumaduate na ito, nawalan na kami ng komunikasyon na dalawa.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon