Bride - 5: First Night

646K 12.2K 752
                                    

A/N: Thanks po for supporting this story :)


Please don't forget to VOTE and do feel free to post your COMMENTS :) FOLLOW ME if you want to.


Right side -> Picture po ng hot and handsome na si Aiden and ang kanyang super kulit na accidental bride na si Jewel. The JeIden COUPLE.


===========================


(Jewel's P.O.V)


"ARAY KO! ANG SAKIT NG LIKOD KO! Grabe! Dapat ata umiinom na ako ng Cherifer nito.", sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto namin dito sa hotel nina Aiden. Agad din akong nahiga sa kama. "Aaaaahhhh... heaven.", sabi ko nang tuluyan akong humiga sa kama.


"Cherifer has nothing to do with your back, that's for your height dummy.", narinig kong sabi ni Aiden na naka-upo sa sofa at inaalis ang sapatos niya.


"Tss. Edi Anlene. Arte nito." Tss! Gwapo nga, ang sungit-sungit naman. Pinaglihi ata ang isang toh sa sama ng loob e.


"You take a shower first.", narinig kong sabi niya.


"Mauna ka na. Nag momoment pa kami ng kama.", sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa may ceiling ng kwarto at yakap yakap ang isang unan.


"Baliw.", narinig kong sabi niya pero di ko na pinatulan pa.


Ba't ko papatulan kung totoo naman. Matagal na talaga akong baliw. Magandang baliw! HAHA!


Maya-maya ay narinig ko ang pagsara nung pintuan ng bathroom. Dali-dali naman akong tumayo at pumunta sa may walk-in closet at inalis yung gown na suot ko at sinuot ko yung robe. Kinuha ko na rin yung damit na nasa bag ko na ipampapalit ko sana after ng photoshoot ko kanina pero yun nga, sa maling venue ako napunta. Buti na lang walking shorts yung dala ko.


Halos makatulog na ako kakahintay kay Aiden na matapos.


Grabe! Ang tagal ha! Daig pa ang babae! Ganun ba kadami ang dumi sa katawan niya at hindi isang ilod lang ang ginagawa niya? Dejoke lang! Wag nating sabihin sa kanya, baka bigla na talaga niya ako ibigti! Hehe.


Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ng bathroom kaya napa-upo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Magsasalita sana ako pero agad nawala sa utak ko yung sasabihin ko dahil sa nakikita ko ngayon.


OH MY, MAKULAY NA BUHAY!


Nakatayo lang naman kasi si Aiden sa labas ng bathroom at tanging ang tuwalya na nakatapis sa bewang niya ang saplot niya sa katawan kaya kitang kita ko ang 8 pack abs niya.


WAAAAH! Parang nescafe lang, ANG YUMMY!


"Like what you're seeing, sweetheart?", mapanukso sabi niya habang nakangisi pa. Mukhang napansin niyang nakatawan ako sa perpektong katawan niya. Grabe!

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon