Bride - 25: Another woman in love

649K 11.1K 910
                                    

A/N: Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)


Till next time!


=============================


(Jewel's P.O.V)


"Sabihin mo nga sa akin... magpoo-pool ba talaga tayo?", tanong ko kay Aiden habang magkahawak kamay kaming lumabas sa suite namin dito sa resort na paggaganapan ng seminar nila.


Yes, nandito na kami sa Cebu. Actually nung 10 pa kami ng umaga nandito sa Cebu. Ang private plane kasi na pagmamay-ari ni Stiles ang sinakyan namin. At heto na nga, 2 na ng hapon at naisipan nina Aiden na mag swimming.Umayaw ako nung una dahil takot ako sa tubig kahit pool lang yan. Isa pa, hindi rin ako marunong lumangoy. Pero itong si Aiden, mapilit. Sinabi pa niya na tuturuan niya raw akong lumangoy. Mukhang nahahawa na ata talaga siya sa akin, ang kulit na niya e kaya napapayag niya rin ako.


"Yeah, why?", baling sa akin ni Aiden.


"E bakit naman daw ganito ang pinasuot mo sa akin?", mataray na tanong ko sa kanya.


Paano ba naman, isa sa mga t-shirt niyang itim ang pinasuot niya sa akin na tinernuhan ko na lang ng isang maong shorts ko. Meron akong dalang two piece pero bawal daw sa akin yun. E di ba iyon naman ang karaniwang sinusuot pag nag su-swimming?! Ba't naging bawal?! May ginawa na bang batas na nagbabawal ng pagsusuot ng two-piece?!


"Because your two piece is too revealing.", sagot niya.


"E saan ka ba nakakita ng two piece na halos wala ng maipakita? Saan ka nakakita ng two piece na katumbas na ang isang turtle neck na bestida ha? At tsaka! Kahit naman may pagka revealing yung swimsuit ko, may maipapakita naman talaga ako a. Teka, wag mong sabihing ayaw mo akong pagsuotin ng two piece dahil para sa'yo nakakadiri ang katawan ko?!"


Aba't gago pala tong isang toh e! Ang ganda naman ng katawan ko a! Oo, hindi man sa akin ang pinakamagandang katawan sa mundo pero maganda pa rin naman ang akin! May shape ako at tsaka isa ako sa biniyayaan ni Lord ng magandang paghinaharap.


"Exactly. May maipapakita ka at ayaw kong makita nila ang mga yun. Ako lang dapat ang nakakakita.", nakangising sagot niya.


Tss. "Madamot ka.", nang-aasar na sabi ko na lang sa kanya.


May pagka possessive talaga tong si Aiden. Pero imbes na matakot ako sa bagay na yun, actually mas kinikilig pa ako dahil alam kong mahal niya talaga ako dahil gusto niya sa kanya lang ako.


Napangisi lang ulit ito. "That's because I don't share what I own sweetheart, especially not my woman."


Napangiti na ako ng tuluyan sa sinabi niyang yun. "Oo na, alam ko ng masyado talaga akong maganda kaya patay na patay ka sa akin. Pero darling, wag mo masyadong ipahalata ha? Baka mas magselos pa ang iba sa akin. Baka pati si Rapunzel, ibitay na ang sarili niya sa buhok niya dahil talbog ko ang haba ng hair niya."

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon