A/N: Okay, another update for you my dear readers :) Hope you enjoy reading! Ngayon na ako mag-uUpdate dahil di ko na ulit alam kung kailan ang next UD ko. Hintay-hintay na lang siguro sa next UD. Continue ulit kasi sa paggawa ng projects at malapit-lapit na rin kasi ang finals namin so heto na muna... CIAO FOR NOW!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. You can FOLLOW ME if you want to :)
===========================
(Jewel's P.O.V)
"Ate, ayos lang kami ni kuya Oliver.", paninigurado sa akin ng kapatid ko.
One week na rin ang nakalipas after nung operation niya at siyempre, successful!
"Hay naku! Isa ka pa! Sabing hindi kuya e! Ate! Ate Olivia! At pwede ba bakla, umalis ka na. Kaya na namin toh ni Jervis noh! Para namang isang dekada kang mawawala niyan e 4 days ka lang naman mawawala para sa honeymoon niyo ni fafa Aiden. Ui, galingan mo performance mo. Videohan mo para makita ko kung ayos ba or hindi." Ngali-ngaling binatukan ko ang nakangising si Oliver.
Opo, kailangan na naming umalis mamaya para sa honeymoon na yan kaya andito ako sa apartment na tinitirahan nina Oliver at ni Jervis at nagpapaalam. Siyempre, ngayon ayos na ang kapatid ko, kailangan ko na ring tuparin yung nasa kontrata namin ni Aiden. Yung pagbibigay sa kanya ng anak.
Letcheng term yan, PAGBIBIGAY. Ano yun? Parang tinapay lang? Candy? Hay buhay, parang life! It's complicated!
"Utak mo paayos mo! Ayusin mo pagbabantay sa kapatid ko kundi di kita bibigyan ng pasalubong pagbalik ko.", pagbabanta ko kay Oliver.
"Sabi ko nga aalagaan ko ng bongga tong si Jervis! Gusto mo bente kwatro sasamahan ko siya kahit saan pa siya magpunta, kahit sa banyo pa! Pakakain ko siya, paiinumin, pagsisipulyihin, paiihiin, at patutulugin. May nakalimutan pa ba ako?", Oliver
"Oo, pa-tae-hin mo rin.", poker faced na sabi ko.
"Oo ako na bahala! Basta wag mong kalimutan pasalubong ko ha best friend?", sabi niya at nag beautiful eyes pa.
"Oo na. Sige, mag-iingat kayo palagi. Mag-aral ka ng mabuti, Jervis.", pagbibilin ko naman sa kapatid ko. Kahit kasi nung bulag pa siya ay pinag-aaral ko siya nun. Sa school nga lang sa mga kagaya niyang may disability. Pero ngayong nakakita na siya ay nilipat siya nina mama Jennifer sa isang University.
"Oo ate. Mag-ingat din kayo ni kuya Aiden at enjoy.", nakangiting sabi sa akin ng kapatid ko.
Niyakap ko sila sa huling pagkakataon bago pumasok sa kotse na siyang maghahatid sa akin sa airport kung saan naghihintay si Aiden sa kanyang private plane. O di ba? Mayaman talaga. Private plane pa e!
Pagdating ko sa airport na pagmamay-ari pala ni Stiles ay agad akong sinalubong ng mga crew ng airport at inihatid ako sa kinaroroonan ni Aiden.
YOU ARE READING
The Accidental Bride
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsBrideSeriesBook1 © 2014-2015 MoonLightPurple