Bride - 24: Seal the Deal

608K 11.6K 656
                                    

A/N: Thank you for patiently waiting for my update! :) Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to!


'Till next time!


===============================


(Jewel's P.O.V)


GRABE! MABABALIW NA AKO RITO! KAILANGAN KONG MAKALABAS NG MANSION KUNDI MATUTULUYAN NA TALAGA AKO!


Ang walangyang Aiden kasi na yun, tuluyan akong ginawang housemate ng mansion niya! Sarap din niyang magmahal noh? Nagiging si Big Brother!


Mas malalang version ng pagka grounded ang nangyayari sa akin ngayon. Kung nung una nalimitahan lang ang oras ng pananatili ko sa labas, ngayon naman tuluyan na akong bawal lumabas. Kung gaano katagal ay hindi ko alam! Anyways, ito na ang pangatlong araw ko ng pagkakakulong dito sa bahay at hindi ko na talaga kaya! Mamamatay na ako sa boredom!


Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumapit sa may drawer kung saan may kinuha ako roong lubid.


HUH! Akala niya makukulong niya ako rito? Pwes nagkakamali siya dahil pagdating sa pautakan, si Jewel Paris ang nangunguna sa listahan!


Nagmamadaling pumunta ako sa may veranda ng kwarto namin ni Aiden pero pagtingin na pagtingin ko sa may baba ay mayroong sampung body guards ang naroroon na agad umiling sa akin.


Pagtingin ko rin sa may bubong ay may mga guards din doon. Takte, mautak din yung loko! Alam kung paano ako mag-isip! Ano ba yan! Ayoko na talaga rito! Naiinis na bumalik ulit ako sa loob ng kwarto namin ni Aiden at nahiga na lang ulit sa kama.


Maya-maya lang ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan. Pumasok naman doon ang isang katulong.


"Miss Jewel, nasa baba po ang kaibigan niyong sina Oliver at Hanna.", pagbibigay alam niya sa akin.


Dali-daling bumangon ako at lumabas ng kwarto. Sa may sala ko naman sila naabutan na dalawa.


"Hanna, Oliver, anong ginagawa niyo rito?", tanong ko kaagad sa kanila nang maka-upo ako sa isa sa mga sofa.


"Tinawagan ako nitong si Hanna at tinatanong kung saan ka nakatira. May ibibigay daw kasi sa'yong importante. At dahil grounded ka nga at captured ang cellphone mo, heto at sinamahan ko na siya rito.", sagot ni Oliver.


"Ah oo. May gusto kasing ipabigay sa'yo si ma'am Femmy.", sabi naman ni Hanna sabay abot ng isang folder sa akin.


"Naku thank you Hanna. Pasensya ka na rin kung naabala pa kita sa pagdadala nito sa akin ngayon."


"Okay lang. Actually kahapon ko nga dapat toh dadalhin sa'yo kaso dinaluhan ko yung binyag ng baby ni Maggie.", sabi ni Hanna na ang tinutukoy ay yung isang katrabaho namin sa BnW na pinsan rin niya. "Sayang lang di ka nakadalo, di mo tuloy nakita yung baby. Grabe, ang cute cute. Gusto ko na tuloy magka baby.", sabi ni Hanna na mahihimigan ng inggit ang boses.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon