Special Chapter 2

790K 13.3K 1.4K
                                    

A/N: Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) FOLLOW ME if you want to! :)


=============================


(Jewel's P.O.V)


"Sweetheart, wake up...", I heard Aiden say but I just answered him with a groan. I'm too tired to wake up yet. Kagagaling ko lang kasi ng Baguio kahapon dahil sa one day seminar na dinaluhan ko roon.


Napangiti ako nang maramdaman ko ang mga pinong paghalik ni Aiden sa pisngi at leeg ko. "Darling, I'm tired... mamaya mo na lang ako gisingin.", mahinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya.


"Pero sweetheart, ang kulit ng quads.", narinig kong reklamo niya at kahit hindi ako nakatingin ngayon sa kanya, alam kong nakasimangot siya. Kahit nakapakit pa rin, hindi ko napigilang hindi mapatawa ng mahina.


Kailan ba hindi naging makulit iyong apat na yun? Aba! End of the world na kung biglang nawala ang kakulitan nilang apat.


Gaya nga ng inaasahan, ang kukulit nilang apat! Though hindi naman talaga lahat sila ay sobrang kulit. May nakamana sa pagiging seryoso rin at pagiging masungit ni Aiden at yun ay walang iba kundi si Jeiden na mas tinatawag namin sa palayaw niyang JV. Pero may kakulitan din talaga siya sa katawan lalo na kung sinasali siya ng mga kapatid niya sa kalokohang pinaggagawa nila. Sina Jigs, Jay, at Jolly... yun, sila talaga ang sobrang kulit... walang kasing kulit.


"Sweetheart...", tawag ulit sa akin ni Aiden na ngayon ay may pagmamakaawa na sa boses niya kaya dumilat na ako. Kawawa naman na kasi ang darling ko.


Hindi ko napigilang mapahagalpak ng tawa nang makita ko ang itsura niya.


Basang basa ang suot niyang white t-shirt kaya bakat na bakat iyon sa magandang katawan niya.


Mukha siyang basang sisiw.


Kunot-noo siyang nakatingin sa akin na tawa pa rin ng tawa.


"Ano bang nangyari sa'yo? Naligo ka bang suot iyang damit mo ha?", tanong ko sa kanya sa pagitan ng aking pagtawa.


Pumalatak siya. "Pinapaliguan ko iyong apat pero dahil ang kukulit nga nila, nabasa ako.", nakasimangot na sabi niya.


"O, asaan na sila? Natapos mo na ba silang paliguan na apat?", tanong ko ulit.


He heaved a sigh. Sa itsura niya, mukha siyang natalo. "Hindi pa nga.", sagot niya. "Kaya nga ginising na kita kasi baka magkasakit sila kakalaro sa tubig. Pinabantayan ko muna sila sa mga yaya nila."


Naku, kawawa pala talaga ang darling ko. Mukhang hindi nakayanan ang kakulitan ng mga anak namin. Palibhasa kasi, hindi niya magawang pagalitan yung quads kahit sobrang nagkukulit ang mga ito. Matalino rin kasi yung mga anak ko. Kung nakikita na nilang papagalitan na sila ng daddy nila, nilalambing kaagad nila. Alam kasi nila na kahinaan ng daddy nila ang kanilang paglalambing.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon