Bride - 9: 0_0

626K 11.4K 491
                                    

A/N: HAPPY HOLIDAYS :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


Enjoy!


======================


(Jewel's P.O.V)


Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko. Pinakiramdaman ko rin ang balakang ko at hindi na ito masakit maliban na lang dun sa sugat ko sa tuhod na medyo kumikirot-kirot pa rin.


Nilibot-libot ko naman ang paningin ko at agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko!


OH NO! ASAN AKO?! Nailibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng malaking kwarto na kinaroroonan ko. Kung pagbabasehan ang kulay at amoy ng kwarto, masasabi mong lalaki ang may kwarto.


Teka!


L-La-Lalaki?!


OH NO!


"AIDEN! TULUNGAN MO AKO!", sigaw ko ng malakas.


OMG! OMG! SINONG KUMIDNAP SA AKIN?! HINDI MAAARI TOH!


NO!


Sumigaw ulit ako ng pagkalakas-lakas.


At ngayon ko lang napansin na hindi sa akin yung suot ko ngayong maluwag na shirt. Unti-unting namilog ang mata ko.


Hindi ito yung damit ko kahapon a! Malaking white shirt ang suot ko ngayon!


NO! HINDI PWEDE TOH!


Napasigaw ulit ako ng malakas.


Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa may veranda ng kwarto.


Kailangan kong makaalis dito! Kailangan kong makatakas sa kung sino mang kumidnap sa akin!


Letcheng Aiden yun! Wag niyang sabihin, inihulog niya ako sa kalsada nung nakatulog ako sa office niya kahapon?! PAPATAYIN KO TALAGA ANG LOKONG YUN!


Napatingin naman ako sa baba ng veranda.


SHEEEETTTT! ANG TAAS.


Pero kahit na! Kailangan kong makaalis dito!


Aakyat na sana ako sa railing ng veranda nang biglang may nagsalita sa likod ko.


"Jewel? What the hell happened?! And what are you trying to do there?!"

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon