Bride - 31: Find You

599K 10.5K 401
                                    

A/N: Enjoy reading guys!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)


Next time ulit!


===============================


(Aiden's P.O.V)


Hindi ko na kayang hintayin pa ang mga private investigators na kinuha ko para sabihin sa akin kung nasaan si Jewel. Kailangan ko na talaga siyang makita. Baka kung ano ng nangyari sa kanya at sa baby namin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya at tuluyang nawala ang nag-iisang pagkakataong binigay sa amin para magkaroon ng anak.


Mas binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa bahay ni Oliver. Alam kong alam niya kung nasaan talaga si Jewel. Kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa para lang sabihin niya sa akin kung nasaan si Jewel, gagawin ko.


Pagkarating ko sa apartment ni Oliver ay si Jervis ang naabutan ko roon.


"K–Kuya Aiden, ano pong ginagawa niyo rito?", gulat na tanong niya.


"Is Oliver there?"


"Wala kuya.", sagot niya.


Sh-t! Now what? Napatingin ako kay Jervis na nakatingin lang sa akin. "Jervis, alam mo ba kung nasaan ang ate mo?"


Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa tanong ko. Maya-maya lang ay ang-iwas ito ng tingin at doon pa lang ay alam ko ng may alam siya sa kinaroroonan ng ate niya.


"Jervis, you need to tell me where your sister is. I really need to see her.", I pleaded.


"Pasensya na kuya Aiden pero hindi ko pwedeng sabihin. Hindi ko man alam kung ano talaga ang nangyari kung bakit kayo naghiwalay ng ate ko pero alam kong nasaktan talaga siya kaya kung pwede, wag mo na siyang guluhin pa kuya.", sabi niya dahilan para maihilamos ko ang kanang palad ko sa mukha ko.


I'm starting to get frustrated.


"Sh-t!", I cursed out load when I can't contain my anger anymore. "You think I'm not hurting as well? God! My life became hell when your sister left me, Jervis! She just left me without a word, do you think that's fair? Alam kong may pagkakamali ako kaya siya umalis pero hindi naman yun dahilan para itago niyo siya sa akin lalo na ngayong nalaman kong nagsinungaling sa akin ang ate mo!"


"An–Anong ibig mong sabihin kuya?", nalilitong tanong niya.


I heaved a sigh to calm myself. "You're sister is pregnant.", I said that shocked him. Looks like he doesn't also know about her sister's true condition.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon