Bride - 23: Not Again

578K 11.5K 715
                                    

A/N: Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME as well if you want to :)


'Till next time!


===============================


(Jewel's P.O.V)


Letche flan naman Jewel Paris Rodriguez. Tumigil ka nga sa pag-iyak! Kailan ka ba naging iyakin ha?!


Marahas na pinunasan ko ang mga luha ko saka tinalikuran si Aiden. Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso ko para pigilan ako sa pag-alis. Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.


"Where do you think you're going?", inis na tanong sa akin ni Aiden nang maiharap niya ako sa kanya.


"SA TIYAN NG NANAY KO! AT WAG KANG SUMAMA DAHIL HINDI TAYO MAGKAKASYA!", inis ding sigaw ko sa kanya. Oo, naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko! Naiinis ako sa nangyayari sa akin ngayon! "ANO BA AIDEN! MASAKIT!", reklamo ko sa kanya dahil mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.


"Masasaktan ka talaga! WHAT THE HELL WERE YOU ACTUALLY THINKING OF COMING HERE WITH THAT BASTARD?! ARE YOU REALLY THAT STUPID?!", galit na sigaw niya sa akin na nagpa-init ng ulo ko.


"PUTCHA NAMAN AIDEN! DI MO KAILANGANG IPAMUKHANG TANGA AKO! OO AIDEN, TANGA NA AKO! TANGA AKO DAHIL HINDI KO MAGAWANG MAKA-ISIP NG EPEKTIBONG PARAAN PARA MATIGIL ITONG NARARAMDAMAN KO!", sigaw ko sa kanya. At ang pesteng mga luha ko, sumasabay na naman. "AT HINDI KO NA KAILANGANG MASAKTAN PA DAHIL NASASAKTAN NA AKO NG DAHIL SA'YO!"


Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Aiden dahil sa sinabi ko. "W–What?"


"Di ba nga sabi mo tanga ako? Kung gayon sabihin mo ang dapat kong gawin, Aiden.", sabi ko sa kanya.


"What the hell are you talking about, Jewel?", nalilitong tanong sa akin ni Aiden.


"I think we need to stop this fake marriage we have, Aiden.", sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.


"What? Why?", lito pa ring tanong niya.


"Because I broke your most important rule.", I smiled bitterly at him. "I think I'm in love with you. No, let me correct that. I'm already madly and stupidly in love with you.", I confessed that stunned him.


"Jewel...", sambit niya sa pangalan ko.


"Hindi ko alam kung paano at kung kailan pero nagising na lang ako isang araw na mahal na pala kita. Ang simple ng rule mo at akala ko magagawa ko pero t-nginang pusong toh, naisipang isabotahe ako kaya heto at na-inlove sa'yo.", natatawang sabi ko sa kanya. "Promise, ginawa ko ang lahat para pigilan kaso ayaw papigil ng puso ko e. Iniwasan na kita't lahat lahat pero ayaw pa rin tumigil. Kala ko madali pero ang hirap pala."

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon