Bride - 30: Soon

618K 11.8K 1K
                                    

A/N: At dahil nakita kong nag #1 ang story na toh sa ChickLit, naisipan ko ng mag UD :) THANK YOU everyone sa walang sawang pagsuporta niyo sa mga kalokohang stories ko HAHA :)


Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)


Till next time!


===================================


(Jewel's P.O.V)


"Ate, magkano itong pinya niyo?", tanong ko sa isang tindera rito sa public market na kinaroroonan ko.


"Bente lang yan ading.", sagot niya.


"Pabalot ho.", sabi ko na agad naman niyang ginawa. Agad rin akong naglabas ng 20 pesos sa wallet na dala-dala ko at inabot kay ate. Kinuha ko na yung pinya at naglakad ulit ako para bumili naman ng saging.


Napatingin ako sa phone ko nang marinig ko ang message alert tone ko. Galing kay Gail ang text at tinatanong niya ako kung pauwi na raw ba ako. Ni-reply-an ko na lang na uuwi na ako pagkatapos kong makabili ng saging. I'm sure nag-aalala na ang isang yun dahil pagabi na rin.


Kababata ko rin si Gail sa bahay ampunan noon at sa kanila ako nakatira ngayon dito sa Bontoc Mountain Province ng Cordillera Region. Yes, 4 months na ang nakalipas simula nung huli kaming nag-usap ni Aiden at yung huling pag-uusap namin na iyon ay nung sinabi ko sa kanya na baog ako. After ng insidente na iyon ay wala na. Hindi na ulit kami nag-usap pa at nagkita.


Matapos ko kasing sabihin sa kanya na hindi ako pwedeng magkaanak ay umalis ito ng bahay. Kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para mag-impake at umalis. Alam ko namang paaalisin din niya ako pagbalik niya kaya kesa hintayin ko pang mangyari yun ay ako na ang nagkusang umalis.


Pagkaalis ko ng mansion ay agad akong pumunta kay Oliver. Nagtaka ito nang makitang may dala-dala akong maleta. Sinabi ko sa kanya na maghihiwalay na kami ni Aiden at siyempre nagulat siya. Tinanong niya ako kung bakit pero mas pinili kong wag sabihin sa kanya. Nagalit siya pero mas pinairal niya ang pagiging kaibigan sa akin at hindi na lang nagtanong pa kahit alam kong gustong-gusto niyang malaman ang totoong nangyari. Sinabi ko sa kanya na gusto kong magpakalayo muna kaya tinulungan niya ako. Tinawagan niya noon si Gail na nasa Baguio nung time na iyon at tinanong kung pwede raw akong makitira muna sa kanila at um-oo naman ang huli. Pero dahil bakasyon lang ang dahilan kaya nasa Baguio sila, kinailangan din nilang bumalik rito sa Bontoc dahil dito sila nagtrarabahong dalawa ng asawa niya. Sinama na niya ako nang umuwi sila ng pamilya niya rito at simula nun, dito na ako sa Bontoc tumira kasama nila.


Pero kahit sa kanila ako nakatira ay ako naman ang gumagastos para sa sarili ko at binabayaran ko rin ang pagtira ko sa bahay nila kahit okay lang kina Gail at sa asawa niya na hindi ako magbayad. Nahihiya naman daw din ako sa kanila lalo na't may tatlo silang anak na binubuhay din.


Pumupunta-punta rito si Oliver para bisitahin ako pero bumabalik din siya sa Manila kasi andun ang kapatid ko. Ayaw kong idamay pa ang kapatid ko sa ginagawa ko. Isa pa, maaapektuhan ang pag-aaral niya pag sinama-sama ko siya kaya kahit gusto niyang sumama ay hindi ko siya pinayagan. Kahit si Oliver ay gustong-gusto akong samahan dito lalo na sa kalagayan ko ngayon pero hindi ko rin siya pinayagan.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon