Bride - 8: Darna o Dyesebel

625K 13.3K 904
                                    

A/N: Thank you po sa pag suporta sa story na toh :)


Don't forget to VOTE and please do post COMMENTS about the story. I really do like reading COMMENTS from my readers :)


And you can FOLLOW ME if you want to :)


ENJOY!


==========================


(Jewel's P.O.V)


Kainis! Ang lakas din pala mang-asar ng lalaking yun! Kala ko masungit lang siya, mapang-asar din pala! At bakit ba iniisip niyang nagseselos ako?! HUH! AKO? MAGSESELOS SA LINTANG YUN?! NO WAY! Choosy ako sa pinagseselosan ko noh! Yung mga deserving lang ang pinagseselosan ko at yung Jessica the linta na yun, di siya deserving sa pagseselos ko!


Pagbukas ko naman sa pintuan ng room ni Jervis ay naabutan ko siyang nagske-sketch. Kahit bulag ito, magaling itong mag sketch. Si Oliver naman nanonood ng t.v.


"O? Ba't parang hindi naman lunch date ang pinuntahan mo? Kunot na kunot ang noo mo a.", puna ni Oliver na mas nakapagpasimangot sa akin.


Tch. Lunch date nga kaso may umepal kasing linta.


"O heto, may dala akong pagkain. Binili nina lola Margareth para sa inyo.", sabi ko saka nilapag sa lamesa yung mga pagkain na pina take-out ni lola Margareth kanina.


"Ate, mukhang close ka na talaga sa pamilya ni kuya Aiden.", narinig kong sabi ni Jervis.


"Oo naman.", maliban na lang dun sa kinu-kuya mo.


Di mo kasi maintindihan ugali. Minsan masungit tapos biglang nagiging gentleman, tapos bigla na lang nang-aasar. Bipolar lang.


Agad ko namang nilagyan ng pagkain ang isang plato saka binigay kay Jervis.


Maya-maya lang ay narinig ko ang message tone ng phone ko.


Unknown number yung nag text at pinapapunta ako sa MGC mamaya. At sa huli ng text...


Tss.


Si Aiden lang pala yung nag text.


Paano kaya nakuha ng isang toh ang number ko e di ko naman binigay sa kanya? Teka... bilyonaryo nga pala ang loko. Malamang marami itong alipores na pinagkukuhanan niya ng impormasyon.


Nireplayan ko na lang ito ng 'K'.


Nung mag 3 P.M. ay pumunta ako sa opisina na pinagtratrabauhan ko bilang news writer. Pinatawag kasi ako ng Editor-In-Chief namin.


Sa labas pa lang ng office, sinalubong na ako ni Hanna; isang katrabaho ko at kaibigan ko rin.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon