Bride - 17: Aiden

593K 11.9K 646
                                    

A/N: Hindi pa rin po ako officially back dito sa wattpad dahil busy pa rin po ako. At may mga defense pa po kaming dapat kong paghandaan. Anyways, gusto kong magpasalamat sa mga readers ko na matiyagang naghihintay lang sa UD ko at hindi demand ng demand. Thank you! Kayo po ang rason kaya nag uUD pa rin ako :) Maraming salamat! Though hindi na ako nakaka reply sa mga messages niyo, binabasa ko naman po lahat lahat ng mga posts niyo and of course naaappreciate ko lahat yun.

Hope you enjoy the UD!

Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. You can FOLLOW ME if you want to.

Love you all, ENJOY! Till next time!

============================

(Jewel's P.O.V)

One week.


Ganyan katagal akong hindi kinakausap ni Aiden simula nung araw na nagkaraoke kami. Well, hindi naman sa hindi niya ako kinakausap. Pag nagtatanong naman ako sa kanya e sinasagot niya. Pero yun nga lang, 'isang tanong, isang sagot' ang palagi niyang ginagawa.


And three days ko na siyang di nakikita. Pumunta kasi ito sa America dahil nagkaroon daw ng problema ang company nila roon. 'Daw' dahil hindi si Aiden ang nagsabi nun mismo sa akin kundi ang mama nito.


Tanda ko pa, alalang-alala ako sa kanya three days ago kasi anong oras na hindi pa rin siya umuuwi. Tapos yun, malalaman ko lang sa mama nito na pumunta pala ito sa ibang bansa for business purposes. Ni hindi man sa akin mismo nagpaalam. Ganun ba kahirap sa kanyang tumawag man lang para sabihin na aalis siya? O KAHIT TEXT LANG SANA!


Alalang-alala ako sa kanya noon kasi akala ko baka nasagasahan na siya ng Voltes Five sa daan o di kaya kinidnap siya ng Powerpuff girls at pinilit isali siya sa kulto nila! Ai ewan! Basta yun, nag-alala talaga ako sa kanya. Siyempre, kahit naman trabaho lang ang relasyon naming dalawa e may pakialam pa rin ako sa kanya! Na nag-aalala pa rin ako sa kanya! Pero yung gago, umalis basta ng hindi nagpapaalam sa akin mismo! Sapatusin ko siya e!


"Uh... Jewel, wala ka pa bang balak umuwi?", narinig kong tanong ni Hanna kaya napatingin ako sa kanya.


"H-Huh? Hindi pa. May tatapusin pa ako, mauna na kayo.", sagot ko naman sa kanya


"Sige, ingat ka.", Hanna


"Kayo rin.", sabi ko bago sila tuluyang umalis. Mag-isa na lang ako rito sa office. Uwian na kasi. Pero ako, wala pa akong balak umuwi. Dito ko na lang tatapusin ang news report ko kesa sa bahay. Tutal wala rin naman akong kasama sa bahay maliban na lang sa mga maids at bodyguards ni Aiden dun.


Pero after two hours at naisipan ko na ring umuwi, pinagsisihan ko ang desisyon kong dito sa office gawin ang report ko dahil sobrang lakas lang naman ng ulan sa labas. Isama pang nakalimutan kong magdala ng payong! Letche flan! Kung kailan may dala akong payong hindi umuulan pero pag wala naman akong dala, saka naman daw sobrang lakas ng ulan! Nanggagago lang talaga tong panahon!

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon