Bride - 16: Jewel the Adviser

610K 11.8K 641
                                    

A/N: THANK YOU SO MUCH sa matiyagang naghihintay sa update ko sa story na toh! Sorry kung matagal akong nag uUpdate. Busy lang po kasi ako sa pag-aaral. Basta THANK YOU na lang sa mga patuloy na sumusuporta sa story na toh! Labyu all!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to!


Till next time! ENJOY!


============================


(Jewel's P.O.V)


Natapos na ang Forevermore pero hanggang ngayon di pa rin umuuwi si Aiden. Forevermore rin ba ang paghihintay ko sa pag-uwi niya?


Ano ba yan! Saan ba kasi pumunta ang isang yun?


Nang maihatid niya kasi ako rito sa mansion kanina ay umalis din ito kaagad at ni hindi man lang sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Medyo bastos lang ang loko! At siyempre, kanina ko pa tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang phone niya.


Narinig ko namang nag ring ang phone ko kaya agad ko iyon sinagot.


"Hello?", napalakas na bungad ko.


["Jewel apo, okay ka lang ba?"], tanong naman ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si lola Margareth.


"H-Huh? O-Okay lang lola. Nanonood kasi ako ng horror movie ngayon.", pagrarason ko na lang.


["Ganun ba? Ano ba yang pinapanood mo apo at ng mapanood din namin ng lolo Victor niyo."], tanong ni lola Margareth.


Luh. Kaya pa kaya talaga nilang manood ng horror movie? Iba rin talaga ang grandparents ni Aiden.


"Ano po... uh... The Ring po.", sabi ko na lang dahil iyon lang ang pumasok sa akin kaagad na horror movie.


["Ai apo, napanood na namin yan. Tili ng tili ang lolo mo."], sabi ni lola Margareth na napatawa ng malakas. Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti dahil sa inaasta ni lola Margareth. ["Anyways, iha... andyan ba si Aiden. May sasabihin lang sana ako sa kanya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang phone niya."], biglang sabi ni lola Margareth.


Oh sh-t! Nalintikan na! Anong sasabihin ko?! Sasabihin ko bang wala rito sa mansion ang apo nila? Pero baka tanungin nila kung nasaan ito pag sinabi kong wala siya rito sa mansion. Hindi ko alam ang isasagot ko pag nagkataon dahil hindi naman sinabi nung loko kung saan siya pupunta! Baka mag-alala rin sina lola Margareth pag nalaman nilang wala pa rin hanggang ngayon si Aiden. Baka isipin nilang nag-aaway kami. Kasi naman yang Aiden na yan e! Ganun ba kahirap magpaalam! Humanda talaga sa akin yang lokong yun!


"A-Ah, ano kasi lola... uhm... tulog na po siya. Medyo hindi maganda ang pakiramdam niya e.", pagsisinungaling ko naman sa kanya.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon