Bride - 6: The Husband

632K 12.3K 626
                                    

Bride - 6


A/N: Thank you for reading this story and for supporting it as well :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. FOLLOW ME if you want to :)


Enjoy!


=========================


(Jewel's P.O.V)


"ARAAAAAY!", reklamo ko pagkapasok na pagkapasok ko rito sa room ni Jervis dito sa hospital.


Paano ba naman? Bigla-bigla na lang akong sinabunutan ni Oliver.


"BRUHILDA KA! Anong ginawa mo kahapon ha? Bakit di ka dumating sa venue? Alam mo bang nahirapan pa kaming humanap ng magiging kapalit mo nun ha? At nagalit pa sa akin ang boss ko! Ni hindi mo pa sinasagot o nirereplayan ang text ko! At tsaka, nasaan ka buong magdamag at di ka pumunta rito kagabi ha?!", sunod-sunod na tanong ni Oliver sa akin na sinasabunutan pa rin ako.


"SASAGOT AKO PERO PWEDE BITAWAN MO NA ANG BUHOK KO! HINDI DAMO ANG BUHOK KO AT MASAKIT NA ANG ANIT KO!", reklamo ko sa kanya. Buti na lang at binitawan na niya ang buhok ko.


Grabe! Ang sakita ha!


"SAGOT NA KUNDI YANG BUHOK SA BABA MO NAMAN ANG SASABUNUTAN KO PARA MAS MASAKIT!", banta naman ni Oliver.


Grabe tong isang toh! Ang brutal!


"Oo na. Hindi ako nakapunta sa venue dahil maling simabahan ang napuntahan ko.", paninimula ko.


"Tanga mo.", komento ni Oliver.


"Manahimik ka, aahitan ko yang pwet mo."


Sinimangutan lang niya ako. "O ano na sumunod nangyari? Ba't di ka pa rin pumunta sa tamang venue kung ganun?", taas kilay na tanong ulit nito.


Nagdalawang isip naman ako kung sasabihin ko sa kanya yung nangyari kahapon at yung pagpapakasal ko sa taong kakikilala ko lang kahapon.


Teka nga pala... hinahanap kaya ako ng lokong iyon? Hindi na kasi ako nag-iwan ng note kung saan ako pupunta. Hmm... siguro naman hindi. Sabi nga ng isa sa rule niya, walang pakialamanan kaya wala naman siguro siyang pakialam kung saan na ako pupunta.


"ANO NA?!", sigaw ni Oliver kaya napatigil ako sa pag-iisip kay Aiden.


"Tapos ano... ummm... nagpakasal ako.", sasabihin ko pa sana yung tungkol sa 10 million deal namin ni Aiden kaya ako nagpakasal kahapon pero naalala ko bawal nga pala. Nasa rule niya yun.


"NAGPAKASAL?!", di makapaniwalang tanong ni Oliver.


The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon