Bride - 7: Jealous?

661K 14.6K 1.4K
                                    

A/N: Hi readers :) Thank you po sa pagsupport niyo sa story na toh :) I appreciate it so much! Last munang UD toh :)


Don't forget to VOTE and I encourage you all to post your COMMENTS about the story. Ang ganda rin kasi sa feeling na nakakabasa ng mga feedbacks sa readers :) Anyways, thanks ulit.


You can FOLLOW ME also if you want to :)


ENJOY!!


=========================


(Jewel's P.O.V)


Gaya ng sabi ni Aiden kanina, sinundo niya ako rito sa hospital ng 11:30. Gusto mang sumama ni Oliver pero walang magbabantay kay Jervis kaya di na siya sumama. At gusto ko mang isama si Jervis para ipakilala pero bawal siyang lumabas pa ng hospital.


Ilang minuto lang at nakarating na rin kami sa Moonlight Restaurant. Labas pa lang, alam mo ng pang mayaman na restaurant iyon.


Pwede kaya akong mag-apply na waitress dito? Kailangan ko ng trabaho dahil hindi pa ibinibigay sa akin ni Aiden ang milyon ko hangga't di ko siya nabibigyan ng anak.


Naku! Kung nakakabili lang ng baby sa 7eleven, bumili na kaagad ako para makuha ko yung milyon ko!


Naka-usap ko na rin si Aiden tungkol sa pag-advance nito ng pagbigay ng pera para sa operasyon ni Jervis at pumayag naman siya.


Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang bumukas ang pintuan ng sasakyan sa side ko at sumilip si Aiden. "Let's go.", sabi nito na inalalayan pa akong lumabas sa kotse.


Naks! Kahit masungit at topakin ang gwapong lalaking na toh, may nakatagong pagiging gentleman din pala siya sa katawan.


Halos lahat naman ng mga babae na nadadaanan namin habang papasok sa restaurant ay napapatingin sa kanya. Yung iba tinataasan ako ng kilay pag napapatingin sa akin dahil nakahawak ako sa braso ni Aiden. Pag-aahitin ko mga kilay ng mga toh e! Tignan lang natin kung mataasan pa nila ako ng kilay.


Ginagantihan ko ang pagtaas kilay nila sa akin ng pagbebelat sa kanila.


MAINGGIT KAYO DAHIL ASAWA KO TONG GWAPONG NILALANG NA TOH SA TABI KO!


"Stop that, Jewel.", biglang sabi naman ni Aiden at mukhang nakita ata ang ginagawa kong pagbelat sa mga babaeng tinataasan ako ng kilay. Napasimangot naman ako. "Sila naman kasi nauuna e."


Nakita ko na lang na napa-iling ito. Ilang sandali lang nakarating na rin kami sa table kung saan naroroon ang pamilya ni Aiden.


Agad naman silang tumayo at nakipag beso-beso sa akin. Inalalayan ako ni Aiden sa pag-upo at umupo na rin ito sa tabi ko.


"Mukhang naging busy kayo sa paggawa ng apo ko sa tuhod kagabi kaya di kayo nakasabay sa amin nung breakfast.", nakangising sabi ni lola Margareth pagka-upo namin.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon