Special Chapter 1

675K 10.9K 937
                                    

A/N: Super cute nung mga babies 'no? Sarap kurutin ng mga pisngi! Haha!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) FOLLOW ME if you want to!


Enjoy reading! :)


==============================


"Ano ba bakla, bakit ka ba nagmamadali ha? Sumali ka ba sa 'The Amazing Race' ha?", nagtatakang tanong sa akin ni Oliver habang hila-hila ko siya pagpasok na pagpasok namin sa BSM mall na pagmamay-ari ni Dwight.


"Kasi 4:30 na ng hapon pero hindi pa rin ako nakakabili ng regalo para kay Aiden.", sagot ko sa kanya.


Halos lahat na kasi ng kapamilya ko at mga kaibigan, nabilhan ko na ng Christmas gift nila maliban na lang sa asawa ko. Kasi naman, ayaw pa rin niya akong payagang lumabas. Dapat daw kasama ko siya pero siyempre di pwede yun dahil hindi na magiging surprise ang gift ko sa kanya.


At kahit sinasabi ko sa kanya na sasamahan ako nina Oliver o nina mommy Jennifer, ayaw pa rin niyang lumabas ako. Dapat daw kasama pa rin siya. Paano naman daw yun di ba?


"O buti pinayagan kang lumabas ni Aiden na hindi siya kasama. Paano mo napapayag yun na palabasin ka na hindi siya kasama?", curious na tanong sa akin ni Oliver.


Hindi ko naman napigilang hindi mapangisi habang inaalala ko ang ginawa ko kanina para payagan lang ako ni Aiden na lumabas ng mansion ng hindi siya kasama.


"Aiden, sige na. Kahit ngayon lang. Promise, mag-iingat ako at hindi magkukulit. Isa pa, kasama ko naman si Oliver e.", sabi ko kay Aiden na busy sa kanyang laptop habang naka-upo sa may mahabang sofa rito sa kwarto namin.


Kanina ko pa siya kinukumbinsi na payagan na akong lumabas ng mansion ng hindi siya kasama. Hindi naman sa ayaw ko siyang isama pero hindi kasi pwede. Lalabas kasi ako para bumili ng Christmas gift niya. Noche Buena na mamaya pero wala pa rin akong nabibiling gift para sa kanya.


"No sweetheart. And that's final.", matigas na sabi niya na hindi ako nililingon. Nakahiga kasi ako sa may kama namin.


Napasimangot naman ako.


Ayaw pa rin niya ha? Tignan lang natin kung hindi pa rin siya papayag...


"Fine. Pero tandaan mo 'to Aiden. Pag hindi mo ako pinayagang lumabas ngayon na hindi ka kasama..."


"Pag hindi kita pinayagan, ano?", Aiden


Isip Jewel, dali! Anong sasabihin natin para payagan tayo?


"Ano..." Kainis! Wala akong maisip!

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon