Bride - 19: I'll be there

590K 11.9K 325
                                    

A/N: Enjoy reading!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. You can FOLLOW ME if you want to :)


==============================


(Jewel's P.O.V)


Napahinga naman ulit ako ng malalim. Hindi ko mapigilang hindi kabahan e. Ngayong araw na toh kasi ang operation ni Jervis. At ngayon nga, naririto kami sa may hospital. Kasama ko ngayon si Aiden, ang pamilya niya, at si Oliver. Pati na rin ang mga kaibigan ni Aiden e naririto. Nagkaroon kasi sila ng meeting kanina at sumama sila rito kay Aiden after nung meeting nila.


"Ate...?", narinig kong tawag sa akin ng isang boses.


Paglingon ko ay nakita ko si Jervis na nakahiga ngayon sa stetcher. Pinaghanda muna kasi nila ito.


Dali-dali ko namang nilapitan ang kapatid ko at hinawakan ang kanang kamay niya.


"Andito si ate.", sabi ko sa kanya.


"Ate, natatakot ako. Paano kung hind imaging successful?", tanong ng kapatid ko na mahihimigan ng takot talaga ang boses.


"Ano ka ba Jervis, wag kang mag-isip ng ganyan. Magiging successful toh okay? At wag kang matakot, andito lang ako. Andito lang palagi si ate sa tabi mo kaya wag na wag kang matatakot.", sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang mga luha ko.


Ayaw kong malaman niyang umiiyak ako dahil baka mas matakot siya. Kailangan kong maging matapang para sa kapatid ko.


"Tama ang ate mo, Jervis. Wag kang matakot, magiging okay lang ang lahat.", segunda naman ni mama Jennifer.


"Ate, pwede bang kantahan mo muna ako bago simulan yung operasyon? Kantahan mo ako nung kantang palagi mong kinakanta noon. Iyon kasi ang nag-aalis ng takot ko.", maya-maya ay request sa akin ng kapatid ko.


Ngumiti ako at marahang hinaplos ang mukha niya. "Siyempre naman."


Maya-maya lang ay sinimulan ko ng kantahin yung "I'll be there" na kanta ni Martin Nievera. Iyon kasi ang kinakanta ko kay Jervis simula nang mabulag siya at sa tuwing natatakot siya.






(Aiden's P.O.V)


Jewel started to sing the song that was requested by her little brother.


I can't help but be amaze by her angelic voice. Up until now, I still get mesmerized be her beautiful voice each time I hear her sing...


~When you wake up each morning

And you feel like callin'

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon