Bride - 29: Truth

551K 10K 717
                                    

A/N: Kung hindi ko man narereplyan ang mga comments niyo e di ibig sabihin hindi ko binabasa :) Binabasa ko po lahat ng mga comments niyo pero paminsan po tinatamad lang ako na mag reply ganun HAHA :) Isa po kasi akong dakilang tamad! Hehe :) Na-aappreciate ko po lahat ng mga comments niyo :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to! :)


'Till next time!


===============================


(Jewel's P.O.V)


Ilang araw na rin ang lumipas simula nang malaman ko ang tungkol sa kalagayan ko at hanggang ngayon, hindi ko pa rin yun sinasabi kay Aiden. Natatakot talaga akong sabihin iyon sa kanya dahil hindi ko alam kung paano niya yun tatanggapin. Mas lumalala pa iyon sa tuwing naaalala ko yung pag-uusap namin tungkol sa pagkakaroon ng anak.


Litong-lito na ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero alam kong hindi ko ito maitatago sa kanya ng matagal dahil sooner or later e malalaman din niya.


Pero matatanggap pa kaya niya ako pag nalaman niya ang kondisyon ko?


Napatigil ako sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman kong tumigil ang taxi na sinasakyan ko. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nasa tapat na pala kami ng bahay namin ni Aiden. Agad kong binigay yung bayad ko sa taxi driver saka bumaba. Lumapit kaagad sa akin ang mga body guards na naririto at binitbit papasok ang mga gamit ko. Kakarating ko lang kasi galing sa aking 3 day trip sa Baguio City. Nagkaroon kasi kami ng conference roon at ako ang pinadala ni Ma'am Femmy. Actually, ako ang kumumbinsi kay Ma'am Femmy na ako ang ipadala roon dahil gusto ko munang lumayo para makapag isip-isip. Pero kahit yung pagpunta ko ng Baguio ay hindi pa rin nakatulong.


Napabuntong hininga ako bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok na pagpasok ko ay agad akong sinalubong ni Aiden ng yakap.


"Hi sweetheart. Welcome home.", sabi nito habang yakap-yakap pa rin ako ng mahigpit. "I missed you.", nakangiting sabi niya nang humiwalay ito mula sa pagkakayakap niya sa akin.


Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti sa sinabi niya. "I missed you too."


Biglang napalis ang ngiti nito sa labi habang nakatingin sa akin.


"What?", nagtatakang tanong ko.


"Bakit parang ang putla mo? At parang mas pumayat ka. Hindi ka ba kumakain nang nasa Baguio ka?", kunot-noo nitong tanong sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin.


Hindi ako alam kung anong sasabihin ko dahil tama naman siya. Nang nasa Baguio ako ay hindi ko magawang makakain ng mabuti dahil sa kakaisip kung paano sasabihin kay Aiden ang tungkol sa kalagayan ko.


Napatingin ako kay Aiden nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

The Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon