📌ONE

2.5K 116 4
                                    


"Sigurado ka bang nandito sya?"

"Oo, King. Dito daw sya huling nakita."

Inilibot nila ang kanilang mga mata at pinagmamasdan ang mukha ng mga tao sa paligid.

Nasa park sila kung saan maraming tao ang namamasyal.

"KING, AYUN SYA." sigaw ng isa sa mga alagad nya.

"SUNDAN SYA BILIS. AT WAG SYANG PAKAWALAN." sigaw ng King nila.

Nagsitakbuhan ang mga tauhan at si King. Kahit may mabangga at may maitulak ay wala silang pakialam basta maabutan nila ang hinahabul nila.

Ilang minuto din ang itinagal nila bago nila makorner sa iskinita ang hinahabol nila.

"Sumuko ka na samin, Alexis. Wala ka nang kawala." sabi ng King nila.

Pinalibutan nila ang babaeng nagngangalang Alexis.

"At bakit naman ako susuko sa inyo, KING?! Pulis ba kayo?" may pang aasar na sabi nito at ipinuwesto ang katawan para sa labanan.

"Wag ka nang magtangkang lumaban. Marami kame. Iisa kalang." sabi ng King.

"Mukhang nakalimutan mo ata KING. Naging kanang kamay din ako ng amo mo." nakangiting sabi ni Alexis.

Dumaloy kay King ang takot pero binaliwala nya lang iyon.

Ang gusto nya ay mapatay nya ito, dahil yun ang utos sa kanya.

"SUGOD NA!!!!!!" malakas na sigaw ng King "WAG NYONG HAYAAN NA MABUHAY YAN." dagdag pa nito.

Sunod sunod na nagsisugudan ang mga tauhan nito papunta sa pwesto ng babae.

Mahigit benteng katao ang kalaban nya. Pinalilibutan sya ng mga to. Si King naman ay na sa likod at pinagmamasdan lang sila.

Dalawang lalaki ang pasugod kay Alexis. Malakas yang sinipa ang dalawa sa mukha dahilan ng pagkawalang malay ng mga ito.

May sumugod naman ng apat na lalaki. Tumabling sya ng maihampas sa pwesto nya ang isang baseball bat at muntik na syang tamaan nun. Ang dalawa naman sa kanila ay may dalang kutsilyo.

Ipinuwesto nya ang sarili nya. Iginulong nya ang kanyang katawan sa lalaking may baseball bat at sinutok ang sensitibong bahagi ng lalaki.

Umikit ikit ang lalaki habang hawak ang junjun nya. Kinuhang tyansa ni Alexis yun para makuha ang baseball bat at ihampas sa mukha nung lalaki.

Kaya ayun tulog.

Sumugod naman ang dalawang lalaki na may kutsilyo.

Hawak ang baseball bat ay mabilis nyang pinukpok sa kamay yung isang lalaki. Dahilan para malaglag ang hawak nitong kutsilyo. At mabilis nyang inihampas ang baseball bat sa binti nito. At sinipa sa tyan ang lalaki.

Mabilis na sumugod ang iba at mabilis ding napatumba ni Alexis ang mga to.

Walang ibang maririnig sa lugar na yun kundi ang mga boses ng mga lalaking umaaray sa sakit. Hanggang si King nalang ang natira.

Napaatras naman si King sa ginagawang paglapit ni Alexis dala ang baseball bat. Inihahampas hampas pa nito ang baseball bat sa hangin.

"Huling kahilingan?" nakangiting sabi ni Alexis.

Makikita sa mukha ng King ang takot. Pero agad ding nawala yun nang makita ang pulang ilaw na nakatutok sa ulo ni Alexis..

Huli na nang makita nya ito. Tumama na sa ulo nya ang bala. Dahilan ng pagkakabagsak nito sa semento at pagkakaroon ng maraming dugo na nakapalibot sa ulo nito.

Nakita nya pang nakangiti si King.

"See you in hell, Darling." mula sa dilim lumabas ang isang babae.

Makikita sa mukha ni Alexis ang gulat.

'Bakit?! Bakit mo ko tinaraydor?' sabi nya sa isip nya.

Bago sya tuluyang mawala sa mundo.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon