📌 FIFTEEN

783 72 1
                                    

Vana POV

'Sino ang may gawa nito?'

"VANA!!! PAKIUSAP TUMIGIL KANA!!"

Napatingin naman ako sa nagsalita, umiiyak ba sya? Bakit?

'ILINA!!'

'Teka? Bakit di ko marinig ang boses ko?'

Nakita ko ang itim na hangin na lumabas sa pagitan ng mga kamay ko at agad nahinagis yun patungo sa pwesto ni Ilina..

'ILINA.'

Tawag ko dito, ngunit walang lumabas ni salita sa bibig ko..

Nakita ko naman na mabilis na iniwasan ni Ilina ang atake ko na hindi ko naman ginagawa..

'Bakit ganun? Hindi ko makontrol ang katawan ko?'

Sinubukan kong igalaw galaw ang katawan ko pero di ko magawa.. Pang may kumokontrol na ibang Magi sa katawan ko..

At nagmaalala ko ang ginawa ko kanina ay doon na ako natakot, kontrolado na ng dark magic ang katawan ko.

At naglalabas sya ng napakalakas na kapangyarihan..

"VANA!!! KONTROLIN MO ANG DARK MAGIC." Ang boses na yun..

Tumingin ako sa kanyang gawi.. At naalala lahat ng masasakit na sinabi nya.

Lalong nabuhay ang galit na namumuo sa puso..

'Bakit ama? Bakit sa bibig mo pa ako makakarinig ng ganung salita.. Bakit!!!!!' sigaw ko sa isip ko..

Lumabas ang matinis at nakakarindig boses mula sa bibig ko..

At namalayan ko nalang na sinusugod na pala ng katawan ko si Ama.

'Hindi kita pipigilan Dark Magic.'

Narrator POV

Nagpapalitan ng itim at liwanag na matutulis na hangin si Vana at ang ama nito.

Walang gustong magpatalo.

"LIGHT STORM." sabi ng hari at ibinato ang mga kidlat na gawa sa hangin.

Iniwasan naman ito ni Vana subalit may ilang light storm ang tumatama sa kanya dahilan ng pagkakaroon nya ng mga sugat..

Ilang beses na inulit ng hari ang Light storm, puro iwas ang ginagawa ni Vana..

"WIND PETALS!!" sigaw ulit ng hari.

Habang naglalaban ang dalawa. Mabilis naman na inililikas ni Ilina at ilang Magi ang mga sugatan na tauhan.

Nang masigurado na ni Ilina na ayos lang iba ay inutusan nya ang ilang Magi na manggagamot napagalingin ang mga sugatang tauhan.

At agad namang ginawa ng ilang magi.. Nang masigurado na ni Ilina na ayos na ang lahat ay saka sya bumalik sa kanyang Ama at kapatid na kasalukuyang naglalaban sa ere.

Nang makita nya ang dalawa ay puro sugatan na ang mga ito, lalo na ang ama nya.

"MAMATAY KA NA!!!! DEATH STORM!!!" sigaw ni Vana at tumama sa Ama nya ang isang itim na apoy dahilan ng pagbulusok ng hari sa simento.

"AMA!!!!" malakas na sigaw ni Ilina at mabilis na pumunta sa ama nya..

"I-Ili-na.." sabi ng hari, duguan na ito, gutay gutay ang kanyang damit at puro sugat na ang kanyang mukha't katawan.

"A-ama!! Pakiusap wag mo kong iwan!!" umiiyak na sabi ni Ilina..

"A-anak.. Pa-paki-u-usap, i-ito ang hul-ing u-u-tos ko sa-yo.. W-wag mong si-sisihin si Van-a sa pag-kamat-ay ko, da-hil hin-di sya yun.. Pa-kius-ap!! I-i-lig-tas mo a-ang kapa-tid...." umubo ang hari ng napakaraming dugo... "...mo."

At sa huling salitang binitawan ng hari ay agad nyang ipinasa ang kapangyarihan nya kay Ilina..

"Ama!!! Pakiusap!!!" sabi ni Ilina habang inuuga ang katawan ng ama na wala nang buhay..

Naramdaman ni Ilina ang kapangyarihan naipinasa ng ama nya. Pero pasamantala nya itong binalewala dahil sa Ama nya..

Umiyak ng umiyak si Ilina..

"Ama!!" tawag ni Ilina..

Makikita naman si Vana sa ere na umiiyak din pero blangko naman ang itsura nito.. Walang emosyong nakatingin kina Ilina..

"DEATH STO---"

"VANA!!"

Huminto naman si Vana sa pagtira nang marinig nya ang pamilyar na boses..

Agad naman nyang nilingon ang tumawag sa kanya..

'Albert' sa isip ni Vana.

"Pakiusap!! Tumigil kana!! Hindi ikaw to, Vana!!" malungkot at nakikiusap na sabi ni Albert.

"Wind Dry!!" bulong ni Ilina nang mabilis syang makarating sa may likuran ng tenga ni Vana..

Agad namang lumipad si Vana paitaas.. Pero nararamdaman nya na ang epekto sa kanya ng Wind Dry..

Sinusubukan itong labanan ni Vana pero bigo sya, hanggang sa di na nya ito malabanan at nawalan na nang malay.

Mabilis na bumulusok si Vana na agad namang nasalo ni Albert.. Dahan dahan nyang inihiga sa lupa ang katawan ni Vana..

"Vana, bakit?" umiiyak na sabi ni Ilina ng makalapit ito kila Albert..

Tumayo si Albert at lumapit kay Ilina.. Niyakap nya ito ng mahigpit..

"Bakit ang hari pa?? Bakit si Ama pa!!!" at lalong humagulgul ng pag iyak si Ilina.. "Gusto din kitang patayin sa ginawa mo sa kanya.. Pero hindi ko magawa, dahil nakiusap sya... Anong nangyari sayo Vana?"

Halos hindi tumigil ang luha ni Ilina..

"Patawad sa gagawin ko!! Hinding hindi ka makakapunta pa dito sa palasyo.. Kahit kelan.."

Saka sya kumalas sa pagkakayakap ni Albert at gumawa ng portal.. Ginamit nya ang hangin para dalhin sa loob si Vana at mabilis nya ding isinara ang portal...

'Hindi ako papayag na hindi makabalik sa kaharian.. Hintayin mo lang ang pagbabalik ko, mahal kong kapatid.. Dahil ako..... Ako ang maghahari sa buong Magical Kingdom.. At walang sinuman ang makakahadlang doon..' sigaw sa isip ni Vana..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon