📌 SIX

1.2K 101 0
                                    

Narrator POV

Nawala ang tatto sa balakang ni Hilda matapos nyang mamatay..

Lumabas na si Alyssa sa space bag kasama ang katawan ni Hilda.

Kasabay nun ang malakas na pagsabog sa pintuan nya dahilan ng pagtalsik nilang dalawa.

Nang makita ni Alyssa ang hari't reyna ay nagkunwari syang umiyak.

"Anak ko!!" sigaw ng reyna at agad na lumapit kay Alyssa.

Alyssa POV

Lumapit sakin ang magulang ko at mabilis akong binuhat ni Ina.

"Anak ko! Salamat sa mga dyosa at ligtas ka. Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tarantang sabi ni Ina.

"Mga kawal mag-obserba sa kwarto at magdoble kayo nang bantay." sigaw ni Ama.

"Opo kamahalan." sabay sabay na sabi ng makawal.

"Hilda!!"

Narinig kong sigaw. Tumingin si Ina at lumapit sa pwesto nina Hilda. Nakatayo si Heneral at umiiyak naman si Marie habang nasa kandungan nya si Hilda.

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Ina sa nasaksihan.. Duguan ito, gutay gutay na ang mga damit at makikita mong galing sya sa isang kabrutalang away.

"Ano ang nangyari kay Hilda? Sino ang may gawa niyan sa kanya?" - Ina.

"Ayon sa obserba ko sa kanyang katawan, ay malakas na nilalang ang nakalaban nya." sabi ni Heneral. "Mukhang ginawa nya ang lahat para mailigtas ang prinsesa."

Tumingin sya sa direkyon namin at may pagtataka at hinala sa kanyang mukha.

'Alam ko ang iniisip mo Heneral.'

--

Dalawang araw ang nakalipas nang mangyari ang laban namin ni Hilda.

Pinahinto na din kasalukuyan ni Ina ang silebrasyon na dapat ay gaganapin kahapon. Aayusin daw muna nila ang gulo sa palasyo bago ipagpatuloy ang kanilang nais.

At sa loob ng dalawang araw na yun ay sinusubaybayan ko ang mga kilos ng heneral at ni Marie.

Alam kong may mga kasama pa sila dito. Kaya dapat ko na sila mahanap para matapos na ang misyon ko.

Isa si Hilda sa gagamda na tinutukoy ni Hileria na pumatay kay Alyssa. Ang totoong Prinsesa Alyssa.

Ang akala kong gagamba na tinutukoy nya ay gagambang na insekto.. Magi pala.. Ay, hindi pala tao dahil may kapangyarihan sila.

Nakita ko kasi ang tattoo sa balakang ni Hilda, isang gagamba na may number 8.. Kasing laki lang nang palad ng sanggol.

Pero naglaho ito bago ko sya ilabas sa space bag ko.

Andito ako ngayon sa kwarto ni unggoy.. Kinuha nya ako kanina, dahil gusto nya daw akong bantayan. Kung sakalaing may sumalakay na naman.

'Kala naman nya kaya nya katawan nya.'

May kasama kaming tatlong maid ngayon. Ang kambal na sina Die at Rie pati na rin si Marie..

Kasalukuyan akong pinapakain ni unggoy at kanina pa masama ang oakiramdam ko.. Hindi ako nadudumi o nasusuka ha!! Ang ibig kong sabihin parang may masamang mangyayari..

"Nagustuhan mo ba kapatid ko?" sabi ni unggoy matapos nya akong subuan ng vegetable soup.

Masarap sya kaso busog na ako. Umiling ako nang balakin nya pang subuan ako..

Tumingin sya sa derwksyon nina Marie..

"Marie, pakikuha naman kame ng gatas." utos ni unggoy at ibinalik agad sakin ang tingin nya.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon