Alexis POV
Napabalikwas ako ng bangon sa hinihigaan ko.
"Shit!! Ano yun?"
"Anak, anong nangyari sayo? Bakit ka sumisigaw?"
Napatingin ako sa taong hingal na hingal na pumasok sa kwarto ko..
"Ah heheh.. Wala naman po.. Masama lang po yung naging panaginip ko. Gawa po siguro ng pagod." sabi ko.
"Hindi ba sabi ko naman sayo na wag mong pagudin ang sarili mo?" pagalit nyang sabi.
"Heheh sorry naman po."
"Tawa ka pa jan ng tawa.. Bumangon kana jan at maghapunan ka na."
"Opo Tiyo Riko.."
Matapos nyang isara ang pinto ng kwarto ko ay bumangon na ako sa higaan ko at naligo..
Matapos kung gawin ang dapat gawin ay bumaba na ako..
Naabutan ko si Tiyo Riko na nanunuod ng TV.. Lumapit ako sa kanya at nagmano..
"Kumain kana.. Nakahanda na sa lamesa ang pagkain mo." sabi nya.
Tumango nalang ako sa kanya at pumunta na sa lamesa.. Ang ulam ko ngayon ay piniritong manok.
"Nga po pala Tiyo, nagpunta po ba yung mga bata kanina?" tanong ko habang kumakain.
"Oo.. Nakuha na nila ang pagkain na pinabibigay mo.. Yung kay Kristel nalang ang hindi nya pa nakukuha."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tiyo Riko.
"Ha? Bakit po?" tanong ko.
"Hindi ko alam e. Ang sabi lang nang ilang bata ay nakita nila ito sa park kaninang tanghali." sabi ni Tito at ibinalik nya na ang tingin sa TV.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko.. Nagmadali akong umalis at nagpaalam kay Tiyo.
Pumunta ako sa tirahan ng mga bata malapit sa aming bahay..
[A/N : eskinita lang po ang bahay nila..]
Pagpasok ko ay sunod sunod silang yumakap sakin nang makita ako at kinamusta ako..
"Ate Ali.. Hindi pa po nauwi si Kristel." sabi ni Gabby, 6 years old.
"Bakit? Inaway nyo ba sya?" tanong ko at tinaasan sila ng kilay.
"Si Pako po ang umayaw sa kanya Ate. Sinabihan po kasi na hindi na daw sya babalikan ng Mama nya." sagot ni Gabby.
"Pako?!!" tawag ko dito at nakayuko naman syang lumapit sakin.. "Bakit mo sinabihan ng ganun si Kristel? Hindi mo ba alam na nakakasama ng loob ang mga sinabi mo?"
"Pasensya na po Ate Ali, hindi ko naman po kasi alam na seseryosohin nya po pala ang sasabihin ko.. Alam ko lang po nag-aasaran lang po kame kanina. Sorry po."
"Hayy nakung bata ka.." sabi ko at ginulo ang buhok nya.
Hindi ko sya kayang saktan lalo na ang iba.. Sapat na ang boses ko para matakot sila at makinig.
"Wag kang magsorry sakin dahil hindi ako yung nasaktan mo.. Sumama ka sakin at hanapin natin sya.. Humingi ka agas ng tawad aa kanya.. Kasalanan mo kung bakit hindi sya umuwi.." sabi ko.
"Opo Ate." - Pako
"Dito nalang kayo mga bata.. Kame nalang ang maghahanap kay Kristel."
Nang sumang-ayun na ang mga bata ay saka naman kame umalis ni Pako..
Nakarating kame sa park dahil dito daw nila huling nakita si Kristel..
"Pako, maghiwalay tayo sa paghahanap.. Magkita nalang tayo sa loob ng isang oras sa bahay.." sabi ko at tumango naman sya.. Tumakbo sya sa ibang dereksyon at tinatawag ang pangalan ni Kristel..
Sinimulan ko na ring maghanap..
Habang iniikot ko ang paningin ko sa paligid ay may hindi ako inaasahan na makikita.
"King!! Ayun sya."
"Sundan nyo sya at wag pakawalan."
"Wag naman dito.. Maraming tao." bulong kong sabi.. Kaya tumakbo ako para hindi makadamay ng ibang tao dito..
Dumaretsyo ako sa iskineta.. At doon sila hinintay. Maya maya pa ay dumating din sila..
"Sumuko kana sa amin Alexis, wala ka nang kawala." sabi ni King..
'Bakit naman kaya ako hinahabol nitong kumag na to? Wag mo sabihing inutos nya.'
"At bakit naman ako susuko sayo KING? Pulis ka ba kayo?" sabi ko na may halong pang-aasar at ipinuwesto ko ang sarili ko para sa atakeng gagawin nila.
"Wag ka nang magtangka pang lumaban. Marami kami at iisa ka lang." sabi ni King.
Natawa naman ako sa sinabi nya..
"Nakalimutan mo na ata King. Naging kanang kamay din ako ng amo mo." nakangisi kong sabi.
Nakita ko sa mukha ni King ang takot pero binalewala nya lang ito. Napangisi tuloy ako ng wala sa oras. Binilang ko ang mga kasama nya.. Bente sila..
"SUGOD!!! AT WAG NYONG HAYAAN NA MABUHAY YAN!!" sigaw nya at agad na nagsisugudan ang mga gunggung nyang tauhan.
Dalawang lalaki ang sumugod sakin.. Malakas ko silang sinipa sa mukha dahilan ng pagkawala nila ng malay..
May sumugod naman sakin na apat na lalaki kaya mabilis akong tumambling nang ihampas nila ang hawak nilang baseball bat..
'Shock!! Muntik na ako doon ahh'
Nakita ko naman ang dalawang lalaki na may hawak na kutsilyo.. Ihinulong ko ang sarili ko sa isang lalaki na may hawak na baseball bat at sinuntok ang pagkalalaki nya..
Umikit ikit naman ito sa sakit habang hawak ang junjun nya, kinuha kong pagkakataon yun para hampasin ang mukha nya ng baseball bat..
Kaya ayun tulog..
May sumugod na naman sa akin na may hawak na kutsilyo.. Mabilis kong ipukpok ang kamay ng lalaki at nabitawan nya ang hawak nya.. Mabilis ko syang hinampas ng baseball bat sa binti nito at sinipa sa tyan..
Sabay sabay na nagsisugudan ang iba at mabilis ko silang napatumba hanggang si King nalang ang natira sa kanila.
Napaatras naman si King nang masama ko syang tinignan.. Napahinto ako sandali ng may maalala ako..
'Teka? Feeling ko nangyari na to..'
Dahan dahan akong lumapit kay King at napangisi ako nang may mapansin akong tao sa madilim na bahagi ng lugar na to..
'Tama nga hinala ko.. Nasa dilim sya..'
Winasiwas ko ang hawak kong baseball bat sa hangin..
"Huling kahilingan?!"
Nakita ko kung paano ngumisi si King.. Mabilis akong pumunta sa likod nya, na ikinagulat nya at iniharang ko sya sa paparating na bala..
Tumama ang bala sa noo ni King at agad nabumagsak sa sahig..
Kinuha ko kaagad ang baril sa likod ni King at pinaputukan ang tao sa dilim..
"Aahh!!" rinig kong daing nya..
"Hahaha... Sinasabi ko na nga ba, ikaw lang ang gagawa ng paraan para mamatay ako. But I'm sorry Cassandra, hindi ako pipitsyuging na assassin na inaakala mo.." sabi ko dito nang makalapit ako.. "Last wishes please!!"
"Ha!! Akala mo matutuwa si Amo pagnalaman nyang pinatay mo ako?!" galit nyang sabi..
"Sa tingin ko, OO.. Dahil gusto mong mamatay ang numero uno nyang tauhan.. At mas matutuwa sya kung wala nang pabigat sa team nya.."
Pagkasabi ko nun ay pinutok ko na ang baril at tumama ang bala sa noo nya.. Hindi pa ako nakontento at inubos ko ang bala at tinadtad ang katawan nya..
أنت تقرأ
ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'
خيال (فانتازيا)'Gagawin ko ang lahat makabalik lang sa dati kong katawan' - Alexis [COMPLETED]