📌 NINETEEN

832 88 0
                                    

Allan POV

"FRAGRON!!! WALGRON!!" sigaw ko sa dalawa. "Palabasin nyo na ako dito. Kailangan kong iligtas sina Ina. Kailangan ako ni Alyssa baka mapahamak sya. Pakiusap!!"

Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito at nakikiusap na pakawalan ako pero di nila ako pinapansin.. Ikinulong lang naman nila ako sa tinatawag nilang anti-magic..

Na kahit ilang beses kong subukan na ilabas ang kapangyarihan ko ay hindi ko magawa..

Nagising nalang kasi ako kanina na nasa loob na ako nito. Inutusan daw kasi sila ni Alyssa na bantayan ako at wag palabasin..

"Pasensya na Allan, pero hindi ka pwedeng lumabas. Yun ang utos ni Alyssa." - Walgron.

"At saka bata.. Hindi namin nararamdaman na nanganganib sya." sabi naman ni Fragron habang presenteng nakaupo habang nakapikit ang mata.

"Paano nyo nasabi ha? Dahil konektado kayo?" inis kong tanong.

"Oo." simpleng sagot naman ni Fragron.

"Pag nasa loob naman sya ng spacebag nya di ba di nyo sya nararamdaman?"

"Oo. Pero ikaw na rin ang nagsabi na ligtas sa lugar na yun dahil dun kayo nagtatago." inis na sabi ni Fragron. Tumayo sya at lumapit sakin. "Kaya dapat manahimik ka na jan at magtiwala ka sa kanya. Kung ayaw mong putulin ko ang dila mo at ipakin sayo."

Itinikom ko naman agad ang bibig ko dahil sa sinabi ni Fragron.

'Nakakatakot naman ang palakang to!!' sabi ko sa isip ko.

Tinignan ko si Walgron na parang may malamin iniisip..

"May problema ba Walgron?" tanong ko. "Walgron??"

Nagulat naman sya at tumingin sakin.. Sabay ngiti..

"Wala naman.. Dyan ka muna ha!!" sagot nito.

"Bakit? Makakalabas ba ako dito?" pilosopo kong sabi.

Natawa naman sya at lumapit sa kapatid.

"Fragron!!" tawag nya dito.

May ibinulong si Walgron sa kapatid at nakita kung paano nagulat na may pag-alala ang mukha ni Fragron at hinawakan ang dibdib nya. Nagtalo pa nga sila e, kaso di ko marinig.

"Ikaw muna ang magbantay dito. Aalis lang ako sandali. Bantayan mo nang mabuti si Allan." sabi ni Walgron.

Tinapik nya ang balikat ng kapatid at tumango lang ito..

Nang makaalis na si Walgron, kunot noo namang tumingin sakin si Fragron.

"May problema ba?" tanong ko.

"Wala. Magpahinga kana. Masyado nang malalim ang gabi." sabi nya.

Nagtataka man ay ginawa ko ang sinabi nya. Inaantok na rin kasi ako.. Pero pakiramdam ko di ako makakatulog..

"Alyssa!! Sana maging maayos ka lang." bulong ko.

'Humanda ka sakin pagnagkita tayo.. Sinasarili mo ang mga bagay na dapat kasama ako..'

----

Walgron POV

Kinakabahan ako!!! May hindi magandang nayari sa kanya.

Tinawag ko si Fragron at tinanong kung nararamdaman nya ba si Alyssa. Hinawakan nya ang dibdib nya.. Nagulat sya at nag-alala..

"Pupuntahan ko sya!" mahina nyang sabi..

"Hindi!! ako na ang pupunta.." sabi ko naman.

"Mabilis akong lumipad, kaya mas mapapabilis kung ako ang magliligtas sa kanya." sabi pa ni Fragron na akmang aalis..

Hinawakan ko ang palikat nya dahilan ng pagkakatingin nya sakin.. Matapang ko syang tinitigan..

"Mas mabilis ka, pero mas malakas ako.." mallumanay kong sabi.. "Dito ka nalang at bantayan mo si Allan. Mas nakikinig sya sayo."

Labag man sa loob nya ay sumang-ayon na rin sya.. Naglakad ako sa may malapit na pinto..

"Ikaw muna ang magbantay dito. Aalis lang ako sandali. Bantayan mo nang mabuti si Allan." pagkasabi ko nun ay umalis na ako..

Habang nasa himpapawid ako. Lalo kong naramdaman ang panghihina nya.. Kaya mas binilisan ko pa ang paglipad..

Nang makarating ako sa paanan ng bundok.. Bumaba ako malapit sa gate ng palasyo..

"Andito sya, pero saan banda?" inilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita..

Naglalakad lakad ako at pinakikiramdaman kung nasaan sya banda.. Maya maya pa ay nawala ang panghihinang nararamdaman ko tungkol kay Alyssa..

Hinawakan ko pa ang dibdib ko para siguraduhin na wala na nga.

"Bumalik na ang lakas nya." wala sa sariling sabi ko.

Habang naglalakad ako may napansin ako sa isang puno na may taong lumabas..

Hindi pala ito tao.. Dahil nakilala ko sya.. Agad akong yumuko ng lumingon ito sa akin.

"Mahal na Prinsipe." paggalang kong sabi.

"Hinahanap mo ba sya?" tanong nya.. Sa boses palang nya.. Makikita mo na ang taglay nyang lakas.

"Opo, Prinsipe." sagot ko.

"Bumalik kana kung saan ka galing." sabi nito.

Napaangat naman ako ng ulo. "Pero po--"

"Maayos na sya.. Nararamdaman mo sya hindi ba?" tumango naman ako. "Hindi tayo mangingialam dahil laban nya to."

Pagkasabi nyang yun ay bigla na lang syang naglaho sa dilim..

Bumuntong hininga ako bago lumipad sa himpapawid.

"Labanan mo lahat ng kalaban mo, Alyssa."

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'حيث تعيش القصص. اكتشف الآن