📌 THREE

1.5K 102 2
                                    

Alexis POV

"ALBERT!!!!!"

Rinig kong sigaw ni Ina pero wala akong pakialam. Gusto ko nang makalabas.

Isiniksik ko ang ulo ko sa maliit na butas.

"Ano yun Mahal ko?" rinig kong tanong ni Ama.

"MANGANGANAK NA AKO!!"

"Manganganak ka na pala. Akala ko naman kung ano na... ANO MANGANAGAK KA NA?"

Nagsisigawan na ang mga tao sa paligid. Pero ang nasa isip ko..

'Gusto ko nang makalabas.. Gusto ko nang makalabas'

"Mahal na Reyna. Isang malakas na ire ang kailangan nyo para makalabas na ang prinsesa." rinig kong sabi ng matandang babae.

Ayon yun sa boses nya.

Pakiramdam ko may tumutulak sa paa ko para mapadali ang paglabas ko.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhh!!!"

Rinig na rinig ko ang pagsigaw ni Ina at maya maya pa'y may nakita na akong liwanag.

'Ayy, sa wakas nakalaya din sa masikip na lugar.'

Gusto kong isigaw yun pero di ko mabuka ang bibig ko at napagod ako sa paglabas dun.

"Kamadrona, bakit tila hindi naiyak ang anak ko." rinig kong sabi ni Ama.

"Hala!! Oo nga." rinig kong sabi ng matandang babae.

Nagulat ako nang biglang may tumiwarik sakin at hinampas hampas ang pwetan ko.

'Pun*eta!! Ang sakit. Lintik kang matanda ka.'

"Wuhhaa, wuhhha, wuhhha" sigaw ko.

"Salamat sa dyosa ng liwanag!! Umiyak din sya" rinig kong sabi pa ng matanda.

'Mukhang nakahinga kayo nang maluwag nung makita nyo akong sumisigaw ahh!! Napa ka ano nyo ha!! Bad 😭😭'

'Iyak sa kanila ang pagsisigaw ko?'

Tumigil ako sa pagsisigaw ng binuhat na ako ng maayos ng matanda. Pinunasan nila ang katawan ko at naramdaman ko ang malambot na tela na bumalot sa katawan ko.

Mukhang binihisan na nila ako.

"Mahal na Hari, ito na po ang munting prinsesa."

Naramdaman kong inabot ako nung matandang babae sa aking Ama.

'Wow!! Akin talaga? Tandaan mo Alexis, sumanib ka para gawin ang misyon mo.'

Ayys!! Epal. Alam ko naman yun.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko para makita yung magiging Ama ko.

At wow!!! Put-ragis... Ito ba yung ama ko?? Wala sa itsura nya.

"Ngumiti sya mahal ko." sabi ni Ama.

'Gad!!! Sya ba talaga ang Ama ko? Shet ang gwapo.'

'Ayyyiie'

"Ngumiti ulit sya." sabi nya pa ulit.

'Kinikilig kasi ako enebe!!'

Mukha lang naman syang 20+ di ko ine-expect na ganito kagwapo ang ama ko.

"Patingin nga." rinig kong sabi ni Ina.

Naramdaman ko naman ang pag abot ni Ama kay Ina.

'Kayyy!! Dyosa ba to? Oh my gad!! Hileria, kapatid mo ba to? O baka kamag-anak?'

Di sila magkamukha pero... Shet ng malupit!! Dyosa ang Ina ko.

"Ang ganda ng ngiti nya Mahal ko." sabi naman ni Ina.

"Manang mana sya sakin." sabi naman ni Ama.

"Aalis na po kame Mahal na Hari, Mahal na Reyna." narinig kong sabi nang matandang babae. "Upang makapagpahinga po kayo kasama ang prinsesa."

"Maraming salamat, Kamadrona." rinig kong sabi ni Ama.

Nang maramdaman ko na ang pag alis nila ay saka ako nakaramdaman ng antok. Humikab ako para malaman nila na inaantok na ako.

'Ayss kakapagod.'

Papikit na ako nang may biglang bumukas ng pinto at nang sisigaw...

"Ama!! Ina!! Na saan na ang kapatid ko?!"

Pun*etang!! Lalaki bato o babae? Hanep sa sigaw. Ang tinis..

"Allan, anak. Halika andito sya." sabi ni ina.

Narinig ko ang pagtakbo nya at naramdaman ko syang sumakay sa kama. Dahilan ng pag-uga ni ina.

"Ang ganda ganda nya, Ina." sabi nya. "Maaari ko ba syang hawak?"

'Ohh no no no no!! No way. Sinong may sabi sayo na hawakan mo ako ha, malaking germs!! Nakakadalawang kasalanan kana sakin ha!! Una ang paghipo mo sa pwet ko, tapos ngayon na matutulog na ako saka ka naman ng sisisigaw.. Ha!!'

"Ina bakit sya umiiyak? Gutom na ata sya?" rinig kong sabi nito.

'Hindi ako gutom.. Ang nais k-----'

Naputol ang sasabihin ko nang may biglang sumalpak sa bunganga ko.

'Ano to?'

"Sige na prinsesa dumede kana para makapagpahinga kana." rinig ko namang sabi ni Ina.

Dahil nasa bunganga ko na.. Ayy!!! no choose na ako. Di ko naman matulak dahil nakabalot ang mga kamay ko sa loob ng tela.

At lalo akong tumahimik ng malasahan ko ang gatas ni ina. Ang tamis tamis. Lasa syang fresh milk. Ganun.

"Ayan!! Tumigil na din sya." sabi ni Allan.

'Pasalamat ka talaga at inaantok na ako. Kung hindi. Hindi kita titigilan. Kala mo ha.'

"Ina, Ama?"

"Ano yun, anak?" sabay na sabi ng mag-asawa.

"Ano po ang pangalan ng prinsesa natin?"

"Wala pa akong naiisip. Ikaw mahal ko meron ba?" sabi ni Ama

"Hayaan natin si Prinsipe Allan ang magbigay ng pangalan sa kanya." rinig kong sabi ni Ina.

"Talaga po?" sabi naman ni unggoy

"Oo naman. Alam kong gustong gusto mo syang pangalanan?"

"Opo Ina, matagal ko po itong pinag isipan para po sa kanya."

"Talaga? Ano ito anak ko?" sabi ni Ama.

"Alyssa Natasha."

"Ang ganda ng naisip mo anak ko. Napakatalino mo talaga." - Ina.

'Hmm hindi na masama. Pero mas gusto ko pa din ang Alexis.'

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon