📌 TWENTY-FOUR

851 80 0
                                    

Alyssa POV

Andito kami ngayon ni Nicolas sa paanan ng bundok. Kumakain ng mansanas.. Ang layo ng napuntahan namin para makahanap ng prutas..

Wala kasi sa puno na paligid sa palasyo..

At higit sa lahat naiinis ako, dahil nahihirapan din akong kumain dahil sa dadalawa palang ang ngipin ko at may isa pa na mukhang tutubo palang..

"Hayys!! Gusto ko na ng sabaw." maiyak iyak kong sabi dahil sa gutom..

"Ayan ang napapala mo sa pag-iwan mo sa akin."

Napatingin bigla ako sa nagsalita at nanlaki ang mata.

"Paano ka--"

"Tumakas ako sa kanila at ginamit ko ang kapangyarihan ko para mabilis na lumipad papunta dito." inis na sabi nya habang masamang nakatingin sakin.

"Magpapaliwanag ako.." pilit ngiti kong sabi..

Lumapit naman sya sakin ng dahan dahan. Napatayo naman ako at pumunta sa paanan ni Nicolas.

"Kailangan mo talagang magpaliwanag.." inis na sabi nya. Tumigil sya sa paglapit at pinagkrus ang kanyang braso..

"Hihihi.." kamot batok kong tawa.

----

"Sa susunod na iwan mo ako.. Kukunin ko ang makapangyarihan na kadena at itatali ko sa paa mo at paa ko.." inis na sabi nya..

"Oo na.." - mataray kong sabi at napairap ng wala sa oras.

"Mabalik tayo sa kinukwento mo.. Kung napatay mo na ang tatlo sa galamay ni Reyna Vana ibig sabihin may lima pa syang galamay?" tumango ako sa kanyang tanong.

"Si Mang Riko pala ay isa sa kanila." malumanay kong sabi..

"ANO??" napatayo pa sya sa pagkakagulat.. "Bakit? Paano? Di ba taga east land sya na tinulugan natin? Ay ako lang pala."

"Oo. At yan din ang tanong na pumasok sa isip ko." kunot noo kung sabi at seryosong nakatingin sa mansanas.

"Nagtataka ako. Hindi ba sabi nina Walgron di sila nakakapasok sa palasyo dahil sa mahikang ginawa ng dating hari? Paano nakapasok sina Reyna Vana?" - Allan

"Hindi naman kasi taga Regust sina Vana. Ginawa ng hari yun para daw hindi sila atakehin ng mga halimaw. At malaking pagkakamali ang nagawa nyang yun.." sabi ni Alyssa. "Dahil nasa loob ng palasyo ngayon ang mga tunay na halimaw."

"Ano ang plano natin ngayon? Wag mong sasabihin na hindi mo na naman ako isasama. Anak din ako ni Ama't Ina at may karapatan din akong iligtas sila." - Allan.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko andito ka na."

"ALYSSA!!" napatingin naman ako sa himpapawid ng may makita akong dalawang nilalang.

Si Walgron at Fragron.

Bumaba sila sa lupa at lumapit sa amin.. Inis namang tumingin si Fragron kay Allan..

"Ikaw na bata ka!!" sabi ni Fragron at akmang lalapit nya ito ay mabilis na tumakbo sa likod ko si Allan. Binuhat nya ako at iniharap sa magkapatid..

"Hayys!!" wala sa sarili kong sabi.

----

Matapos ikwento nila Fragron at Walgron ang pagtakas na ginawa ni Allan ay nagpaalam na din silang umalis..

Sa pamamagitan daw ng isang patpat ay nakuha daw nya ang susi na nakasabit sa gilid ng pader..

Hindi daw napansin ni Fragron ang pagtakas nya kasi natutulog daw sya.

Sinabi ko na din sa kanila na isasama ko na si Allan, gusto nyang lumaban kaya pagbibigyan ko sya.

Andito pa rin kame sa paanan ng bundok.. Nagkukwentuhan.. Nakakain na din ako ng maayos kasi bago umalis sina Walgron pinagdurog nya ako ng mansanas hanggang sa maging katas..

Tawa sila ng tawa dahil sa paraan ko ng pagkain.. Gutom na gutom kaya ako.. Ipinasok ko na din si Nicolas sa spacebag ko para makapagpahinga sya.

"Wala sa palasyo?" tanong ni Allan. Ikinuwento ko din sa kanya ang paghahanap kina ina.

"Oo. Hindi ko sila makita kahit saan doon." sagot ko sa kanya. "Naiisip ko baka may ibang lagusan o sekretong silid sa palasyo at doon dinala sina Ama't Ina."

"Alam ko meron pero hindi ko alam kung saan banda ang sekretong silid." - Allan.

Habang malalim ang iniisip namin may naramdaman akong paparating..

"ILAG!!" sigaw ko at malakas na itinulak si Allan..

May sumabog sa bandang likuran na inuupuan namin..

"Tama nga ang hinala ko.. May magi dito." rinig kong sabi ng isang lalaki..

"Paano sila nakaalis sa bundok Regust?" gulat na tanong ni Rie.

"Kilala nyo sila?" tanong ng lalaki.

"Sila ang mga anak ng Hari't Reyna." inis na sabi ni Die habang nakatingin sa dereksyon namin.

"Die nararamdaman mo ba yun?" tanong ni Rie.

"Mukhang isa sa mga anak ng Hari't Reyna may malakas na kapangyarihan." sabi nung lalaki. "Pero sino sa kanila? Imposible naman ang sanggol?"

Mula sa pagkakaupo ni Allan ay tumayo sya.. Matapang nyang tinignan ang tatlo.

"Mukhang may ibubuga ang batang yun. Pwede bang ibalato nyo na to sakin?" - lalaki.

"Napatol ka pala sa bata." sabi ni Die.

"Oo. Lalo na pag marunong lumaban." - Lalaki.

"O sige bahala ka. Panigurado pagnalaman ng Reyna na buhay pa ang mga to. Magagalit ng husto yun." Rie

"Kaya hanggat di nya pa nakikita, tapusin na natin sila." - lalaki.

Naging alerto ako nang makita kong gumawa ng portal ang dalawang mangkululam.

"Kaya mo na siguro yan, Allan." mahina kong bulong.

Seryoso syang tumingin sakin at tumango. Humarap sya sa lalaki..

Nang makitang pumasok ang dalawa sa portal na ginawa nila, palihim kong binuksan ang spacebag ko sa maaari nilang labasan..

At hindi nga ako nagkamali. Dahil saktong paglabas nila ang pagkahulog sa bag ko.

"DIE, RIE!!" pupuntahan nya na sana ang kambal ng humarang si Allan.

"Ako ang kalaban mo.." matapang na sabi ni Allan..

"Mag-iingat ka." sabi ko kay Allan.

"Ikaw din." sabi ni Allan. At inihanda na ang kanyang sarili sa atake.

Mabilis akong pumasok sa bag at isinara iyon.

'Nakaya kong talunin si Kwarto. Siguro naman kaya ko nang talunin ang dalawang to. Matalo din sana ang kalaban mo Allan.' bulong ko sa isip ko.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'حيث تعيش القصص. اكتشف الآن