📌 SEVENTEEN

788 82 0
                                    

Narrator POV

"Anong--"

Tanong nang Heneral ng makapasok sya sa loob ng bag ni Alyssa.. Lumingon agad sya nang maramdaman nyang may lumabas sa pinagdaan nya..

At laking gulat nya nang makita nya ito..

"Magandang gabi, Heneral?" makikita mo ang malademinyong ngiti ni Alyssa..

"Paanong--"

"Paano ako buhay? Paano ako nakakapagsalita? Paano ako nakakatayo?" putol ni Alyssa sa Heneral.

Makikita mo ang takot sa mukha ng Heneral, pero kalaunan nawala din ito at napalitan ng nakakalokong ngiti.

"Ha!!! Tama nga ang hinala ko sayo, prinsesa Alyssa.. Hindi ka isang ordinaryong sanggol." sabi nito at nagpamaywang pa.

"At tama din ang hinala ko sayo, Heneral.. Na may alam kana sakin.." ginaya din ni Alyssa ang kinilos ng Heneral. Nagpamaywang din sya.

Natawa sa inis ang Heneral sa ginawa ni Alyssa..

"Hahaha.." tawa ng Heneral at biglang sumeryoso. "Sino ang kasama mong pumatay kay Hilda?"

"Hahaha.." gawa ni Alyssa sa tawa ng Heneral at bigla ding sumeryoso. "Anong ginawa nyo kila Ina?"

"Wag mo nga ako ginagaya, bubwit!!" inis na sigaw ng Heneral.

"Hindi kita ginagaya, Heneral. Sino namang inutil ang gagaya sa tulad mo?" sabi ni Alyssa at pinagkrus pa ang dalawang kamay sa harap ng dibdib.

"Ginagalit mo ba ako? Ha?" - Heneral.

"Hindi.. Bakit nagagalit ka ba?" sabi ni Alyssa kasabay ng paglagay nya ng dalawang kamay sa bewang na may halong pang-aasar.

Maliit lang ang pasensya ng Heneral. Kaya makikita mo ang ugat na lumalabas sa magkabilang sintido nya.

"Ikaw na bata ka!!" sabi ng Heneral at agad na sinigod si Alyssa.

"Ikaw naman, matanda." sabay dila.

"HAMMER."

Ginamit ng Heneral ang kanyang kapangyarihan  para mapalabas ang kanyang napakalaking martilyo at agad namang ipinukpok sa pwesto ni Alyssa.

Paatras na iniwasan ni Alyssa ang atake na yun..

"Ang bagal mo, tanda." asar ni Alyssa. Tinuwad nya pa ang kanyang puwet at ikinendeng-kende.

Dahil sa ginagawang kalokohan ni Alyssa ay mas lalong nagalit ang Heneral.

"AXE!!!" sigaw ng Heneral, nawala ang malaking martilyo nya at lumabas ang palakol na may parehas na talim sa magkabilang dulo. Winasiwas nya ito kay Alyssa.

Sumeryoso si Alyssa dahil sa bilis at lakas ng Heneral.. Puro iwas lang sya pero sa mali nyang pagtapak ay natamaan sya sa tyan ng sandata ng Heneral.. Agad naman syang umatras at hinawakan ang tyan nya na may dugo..

Hindi malalim ang tama nya. Pero di tumitigil ang pag agos ng dugo..

"Ha!! Ano bata!! Masakit ba?" mapang-asar na sabi ng Heneral. "Kailangan mo nang mawala sa lalong madaling panahon!! Magkita nalang kayo ng magulang mo sa spirit land."

Dahil sa sinabi ng Heneral. Biglang namuo ang galit ni Alyssa..

"Pagsisisihan mo ang sinabi mo Heneral. Dahil uunahin kitang makarating doon!!" sigaw ni Alyssa.

Lumipad sya sa ere at nagpalabas ng malakas na hangin.

"Wind dry!!" bulong ni Alyssa. Mabilis naman syang sumugod kay Heneral. "Wind Blast!!"

At lumabas ang katanang hangin sa kamay nya..

Nagsalpukan ang dalawang sandata na hawak ni Alyssa at ng Heneral.

"Ang lakas mong bata." sabi ng Heneral.

"At mahina ka nang matanda." sabi ni Alyssa, at ngumiti ng nakakaloko.

Itinulak ng napakalakas ni Alyssa ang Heneral. At sinugod ulit.

Paulit ulit lang ang ginagawa ni Alyssa, hanggang sa makita na nya na nanghihina na ang Heneral.

Winasiwas nya ng napakabilis ang katana sa katawan ng Heneral..

"Ahhhhh!!!" malakas nitong sigaw.

Nasira ang suot nitong damit. Puro sugat at mga dugo na ang makikita mo sa katawan nya.. At hindi nakaligtas ang tatto sa balikat ng Heneral. 7.

"Numerong pito.. Kaya pala mahina ka Heneral. Magkaparehas lang kayo ni Hilda." sabi ni Alyssa habang nakalutang sa ere.

Nanghihina na ang Heneral at nagtataka sya dahil naging biglaan ang pagkapagod nya..

"Magkita nalang tayo sa spirit land, Heneral." sabi ni Alyssa.. Inangat nya pa ang sarili nya sa ere..

"WIND PETALS!!!!" malakas na sigaw ni Alyssa..

At ang matatalim na hangin ay dumaretsyo sa katawan ng Heneral..

Napaluhod ang Heneral at dahan dahan na napadapa

Napangiti naman si Alyssa at pabulusok na bumagsak sa lupa..

"Anim nalang.." wala sa sariling sabi ni Alyssa at dahan dahang pumikit..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon