Alyssa POV
Nang makarating ako sa dulo ng bag ko ay binuksan ko ito at lumabas sa likod ng upuan.
'Mukhang nasa trono ako ni Ama napunta.'
Lalakad na sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng malaking pinto. Kaya agad akong bumalik sa likod ng upuan..
"Sa wakas nasa akin na din ang kaharian.. Hahahhaaha"
'A-ano tong nararamdaman ko?? N-nakakatakot.'
Dahan dahan akong sumilip, mukhang si Vana na iyon.
Di mapagkakailang magkamukha sila ni Ina. Parehas silang may nakakaakit na ganda pero may itim na kapangyarihan ang bumabalot kay Vana.
May kasama syang mukhang mga tauhan nya, nasa pito silang lahat at kasama na dun si Heneral, ang tatlong mangkukulam at si....
Mang Riko??
'T-teka!! Bakit?? Paano??'
Nagtago na ako at nakinig sa magiging usapan nila..
'Mang Riko?? Kalabanan ka din??' sabi ko sa isip ko.
"Ngayon hawak na natin ang kaharian, ano ang susunod nating plano, kamahalan?" boses ni Heneral.
"Sasakupin natin ang ibang kaharian.." sabi naman ni Vana.
"Sayang, wala si Hilda dito para masaksihan nya ang pagkasakop natin sa ibang kaharian." malungkot na sabi ni Rie.
"Kung may utak sana sya at hindi nagpatalo sa kalaban nya, edi sana kasama pa natin sya." sabi naman ng isang lalaki. "Naging numero walo pa sya, wala rin naman syang pakinabang." dagdag pa nito.
Naramdaman ko namang may umupo sa trono ni Ama. Mukhang si Vana yun.
"Hindi ba kayo nagtataka?.. Alam nating malakas si Hilda, tapos may tumalo sa kanya ng ganun ganun nalang. At base sa katawan nya, grabe ang laban na pinagdaan nya." rinig kong sabi ng babae.
"Sino kaya ang gumawa nun?" tanong ni Die, ayun yon sa boses nya.
"Ibig sabihin nun. Malakas ang Magi na yun. Kung magi nga ang gumawa." boses ni Mang Riko yun.
"Sa tingin mo, Kamahalan. Hadlang sya sa mga plano natin?" - si Marie.
"Kung hindi sya, haharang.. Hindi sya magiging kalaban." may diing sabi ni Vana.
"Ano na pala ang gagawin natin sa Hari at Reyna pati na rin sa ibang mga kawal, kamahalan?" - lalaki.
"Habang nasa ilalim sila ng kapangyarihan ni Kwatro, wala tayong magiging problem. Hindi sila magiging sagabal" sabi ni Vana.
"Bilib talaga ako sa kapangyarihan mo Kwatro. Nagawa mong pasukin ang isip nila para matulog nang panghabang-buhay." natatawang sabi nung lalaki.
"Mahina na kasi ang kanilang mga isip dahil sa pagkawala ng mga anak nila. Kaya madali kong napasok ang isip nila nung ininum nila ang tsaa." - babae.
Biglang namang uminit ang ulo ko.
'Anong ginawa nila kina Ina?'
Dahil sa galit na nararamdaman ko, hindi sinasadyang nasuntok ko nang mahina ang trono na inuupuan ni Vana.
Mabilis kong binuksan ang spacebag ko at agad na isinara..
"Muntik na ako mahuli doon ahh!!" wala sa sariling sabi ko ng makapasok ako.. At sinimulang lumipad sa ere papunta sa kung nasaan si Allan.
"Mahihirapan akong talunin sila nang sabay sabay.. Kailangan ko munang kilalanin ang iba pang galamay ni Vana.... Pero uunahin ko nang pababagsakin si Heneral at ang tatlong mangkukulam.." seryoso kong sabi. "At si Mang Riko."
----
Vana POV
"Anong problema, kamahalan?" tanong ni Dos.
'A-no to? Saan nagmula ang kapangyarihang iyon?' tanong ko sa isip ko.
Tumingin ako sa mga tauhan ko.
"May nagmamasid sa natin.." sabi ko.
Tumingin tingin naman sila sa paligid.
"Nandito pa ba sya?" tanong ni Heneral.
"Libutin nyo ang buong palasyo at maging alerto kayo sa magiging bawat kilos nyo.. Pag nahuli nyo ang Magi na yun, patayin nyo agad.. Sige na, magsialis na kayo.." utos ko sa kanila.
Yumuko muna sila at isa isang umalis. Nakita ko naman na nakatayo pa rin sa gilid si Marie.
"Ang sabi ko magsialis na kayo.. Hindi ko sinabi na magpaiwan ka." galit kong sabi.
"Patawad po, kamahalan." yumuko naman sya bago ako iniwan.. Napairap nalang ako sa inis..
Binalik ko ang tingin ko sa likod ng trono..
"Di ko na sya maramdaman, mukhang wala na sya dito.." kunot noo kong sabi. Umupo ako sa trono ni Albert at hinawakan ang dibdib ko.. "Matagal na nung huli ko tong maramdaman."
أنت تقرأ
ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'
خيال (فانتازيا)'Gagawin ko ang lahat makabalik lang sa dati kong katawan' - Alexis [COMPLETED]